"So… anong plano mo ngayon, Yves?" tanong ni Sheila habang inaayos ang pinagkainan nila ni Yvette. Hindi muna kasi nagtrabaho si Yvette. Malaki naman ang naipon niya kaya naman kaya niyang magpahinga muna. Simula nang umalis siya sa Alfonso Airlines ay hindi na siya muling nagtrabaho pa. Hindi na rin naman nagparamdam si Marco sa kanya. Siguro ay naka-move on na ito sa kanya. "Ang tanga-tanga ko kasi. I love him pero iniwasan ko siya. I don't know kung anong dapat kong gawin." sambit nito habang nakatingin sa malayo. Sa mga naglalaglagan na dahon sa mga puno. Kasalukuyan silang nasa apartment ni Sheila. Kahit sinusungitan niya ito noon sa trabaho ay hindi ito nagbago nang turing sa kanya. Minsan nga ay nagi-guilty siya sa mga pang-sesermon niya rito noon. Gusto niya kasi na perfect ang

