"Ikaw... Bakit ang sungit sungit mo? Dahil ba maganda at sexy ka eh mataray ka na?" Sambit ni Marco habang nakahiga sa sofa ng bahay ni Yvette. Habang si Yvette naman ay kumukuha ng maligamgam na tubig para sa boss niya. Kaya hindi niya narinig itong nagsasalita. "Yes. Pinapasok ko siya dahil boss ko siya at ayoko mapagbintangan pag may masamang nangyari sa kanya sa daan." Bulong niya sa sarili habang dinadama ang init ng tubig kung maligamgam na. Agad niyang pinuntahan ang boss niya. Nakita niyang parang nananaginip ito. "Nagsleep talk ba ang isang to?" Habang tinititigan ang lalaki sa sofa. Para kasing bumubuka ang bibig nito. "Bakit naman kaya nagpakalasing to? May problema ba siya?" Sambit niya. Piniga niya ang puting towel at saka ipinahid sa mukha ng lalaking amoy alak. "Kung hin

