"Hindi ko akalain na gano’n ko pala siya kabilis makukuha. I expected more from her." sambit ng lalaki sa veranda habang kausap ang kaibigan niyang si Rider. "Iba ka talaga. Lupit mo. Sa ‘yo yata ako nagmana e. So anong plano mo? May lakad ako mamaya sama ka?" aya nito sa kaibigan. Na-miss niya ang buhay sa pilipinas at ang mga kaibigan. At lalong na-miss niya ang babaeng matagal na niyang gustong makasama. "Marami akong plano pero gusto ko munang makasigurado. Sa’n ba ang lakad mo?" tanong niya dito. Kinancel niya ang lahat ng meetings niya without informing his secretary dahil sa biglaang pagsulpot ni Rider. Saglit lang ang pag-visit niya sa Japan last time kaya hindi sila nakapag-bonding. At alam naman niya na capable ang secretary niya at kaya nitong i-handle ang situation. "Sama ka

