CHAPTER 1

979 Words
Jupiter's POV: "Mapapasabi ka na lang din talaga ng sana all sa hayop na ito. Lakas maka-one true love! Pwede ka na sa MMK o kaya ay Magpakailanman," asar sa akin ni Kuya Diesel. "Konti na lang, mapapasagot mo na rin iyong si Isha. Saka halata namang may gusto rin iyon sa 'yo. Alam mo naman ang mga babae, pahard to get minsan," sabi naman ni Kuya Trey. "Ewan ko ba, maybe when the right time comes. Saka abala rin siya sa kabi-kabilang mga photoshoot. Hindi na nga kami nakakapagkita minsan," sabi ko. "Iyon naman pala, may tagpuang nagaganap! Mahina nga ang manok natin! May tagpuan na, kulelats pa rin!" asar sa akin ni Kuya Diesel kaya napailing na lamang ako. Matapos naming magkwentuhan ay nagpaalam na ako. Dadaanan ko pa kasi si Isha sa photoshoot niya. Patapos na rin naman siya, kanina pa kasi iyon nagsimula. Sumakay na ako sa aking Mustang at pinaharurot ito papunta sa Tellason. Isa siyang part-time model doon na sa tulong ko at sa skills niya ay nakapasok siya. Pagmamay-ari kasi nila Tita Stella ang Tellason, kapatid ni mom na tiyahin ko. Tumigil muna ako sa nadaanan kong flowershop. Saglit pa akong namili ng mga bulaklak. Maganda kasi ang lahat lalo na ang mga bouquet arrangement. "Hello po sir, ano po ang hanap nila?" bungad sa akin ng saleslady. "Ano ba ang pinakamaganda niyong bouquet arrangement na maganda para sa nililigawan?" tanong ko. "Ako po," bulong niya na hindi ko naintindihan. "Pardon?" tanong ko. "I mean ito pong isang ito. Red roses po and white carnation. Bagay na bagay pong ibigay sa babaeng mahal niyo. 4,000 pesos lang po sir," nakangiting sabi niya. Kinuha ko naman ang bulaklak at tiningnan. Maganda ito, mabango rin. Ito na ang kinuha ko at pinapaltan ng gold ang tali. Mahilig kasi sa kulay gold si Isha. She loves luxurious things. Matapos kong bumili ng bulaklak ay dumiretso na ako papunta sa Tellason. Nang makarating ako sa parking lot ay tinawagan ko ang personal assistant ni Isha. Busy panigurado si Isha kaya hindi niya masasagot. "Hello po, Sir Jupiter. Napatawag po kayo?" tanong ni Elizabeth, ang personal assistant ni Isha. "Nasaang kwarto kayo at floor? Nandito na ako sa parking lot, pupunta na ako r'yan. Tapos na ba ang photoshoot ni Isha?" tanong ko. "Sa fourth floor po kami, Sir Jupiter. Sa studio 4-B. Hindi pa po tapos si Ma'am Isha pero malapit na rin po. Marami po kasi siyang niretake," sabi ni Elizabeth na ikinataka ko. "Why? Bakit siya nagretake?" nagtataka kong tanong. "Si Ma'am Isha na lang po ang tanungin niyo, Sir Jupiter. Baka po kasi magalit sa akin," sagot naman niya. Nagpasalamat ako at ibinaba na ang tawag. What happened? Bakit siya nagretake? May nangyari kayang masama? Sana naman ay wala. Kaagad akong pumasok sa loob at sumakay ng elevator. Hawak-hawak ko pa sa aking bisig ang bulaklak na para kay Isha. Sana ay magustuhan niya. Pagkarating ko sa fourth floor ay bumukas ang pinto. Agad kong hinanap ang studio 4-B na nasa dulo. Nabasa ko ang nakalagay sa pinto na, Model in Shoot: Isahanna Ruby Kang. Napangiti naman ako. This is her dream, kapag maganda at nagtuloy-tuloy ang performance niya ay pwede na maging contract model si Isha rito sa Tellason. Hindi na ako kumatok dahil makakaagaw iyon ng atensyon. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga taong nakaupo, nasa lima yata ang nandito sa loob kabilang na si Isha at ang photographer. Nakapost si Isha at nakasuot ng jeans at white long sleeves polo-shirt na bukas. Basa rin ang kaniyang buhok habang nakaupo siya sa isang stool. Nang makita niya ako ay padabog siyang tumayo. Rinig ko naman ang pagtikhim ng photographer. Nang lingunin ko ang mga kasama niya rito ay bakas ang pagkadismaya. Ano kaya ang nangyari? "Jupi, tell them na maganda ang ipasuot sa akin! Look at me, napakapanget ng suot ko! Just plain jeans and white long sleeves? Ano ito mukha akong basura! I want something daring and elegant!" malakas niyang sigaw. Napaawang ang labi ko. Minsan ay umiiral ang pagiging brat ni Isha at bossy. Pero masyado ito ngayon, nakakahiya sa mga tao. Wala rin naman akong nakikitang mali sa suot niya. Lumapit ako kay Isha at tumikhim. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ang sasabihin ko o ano. Bahala na. "Isha, there is nothing wrong sa suot mo. Maganda ka pa rin naman kahit anong suot mo. Saka iyan ang ipinapamodel sa 'yo, you can't easily choose whatever clothes that you want. Sila ang masusunod dahil produkto nila ang imomodelo mo," paliwanag ko sa kaniya. "Wow, Jupi! Come on, tita mo ang may-ari ng kumpanya na ito! Just make me a supermodel! Saka gusto kong mamili ng damit na isusuot, ako ang may karapatan!" inis niyang sigaw. "Isha, don't make me loose my patience. Stop acting like a kid. Alam mo ang mga rules dito, you need to obey. Hindi rin uubra ang ganiyang attitude mo lalo na kay Tita Stella kapag nalaman niya ito," bulong ko sa kaniya. Sinamaan ako ni Isha ng tingin at malakas na sinampal. Napaawang ang bibig ko, narinig ko rin ang pagsinghap ng mga kasama natin dito. "I hate you! And you, ikaw na photographer ka! Wala kang talent! You suck at your job!" sigaw ni Isha bago tumatakbong lumabas ng studio. Tumingin ako sa mga kasama namin dito sa kwarto. Lahat sila ay gulat na nakatingin sa akin. Nilapitan naman ako ni Zull Floridad, ang sikat na photographer na kumukuha kanina ng litrato kay Isha. "Mr. Caruso, are you okay? You saw the situation, si Ms. Kang ang may mali. I'm sorry but ligwak na ang application niya," sabi ni Mr. Floridad. "Huwag niyo na lang hayaan na makalabas pa ito. Elizabeth, come with me. Kuhanin mo na ang mga gamit ni Isha," huli kong sabi bago lumabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD