Wow... Na miss ko 'tong lugar na 'to. Hindi mapigilang untag ni Hera sa kaniyang sarili habang nililibot ang buong paningin sa mansyon na pagmamay-ari ni Lucas. Habang tinitingnan niya ang bawat sulok ng malaking bahay na ito ay hindi niya mapigilang maging emosyonal. Parang kailan lang noong umalis siya dito pero ngayon ay nakabalik na siya. Sa totoo lang ay hindi talaga niya ine-expect na makakabalik pa siya dito. But then, she always pray every night that she'll get back here. Naging tahanan na rin niya ang bahay na ito at kahit na hindi man niya aminin sa kaniyang sarili ay gusto niyang manatili dito habang buhay. Iwan niya ba, but something in this mansion is making her feel comfortable and relief. "By the way, your room changed." Napatigil si Hera nang magsalita si Lucas na nasa

