"Hmm..." Napaungol si Hera nang maramdaman na hindi na siya makahinga dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa kaniyang katawan. Nang minulat niya ang kaniyang mga mata ay nalaman niya na braso pala iyon ni Lucas na nakapulot sa kaniya. Nakatanday rin ang lalaki sa kaniya kaya hindi nakakapagtataka na pakiramdam niya ay para siyang iniipit. Pinilit ni Hera na gumalaw para harapin ang lalaki nang hindi ito nagigising. Nakatalikod kasi siya sa lalaki habang ito ay nakayakap naman sa kaniya. Nang mapagtagumpayan niya ang pagharap sa lalaki ay hindi niya mapigilang mapahugot ng hangin. She never thought that turning around with heavy arms and legs around her is so hard. Pero ang pagod na kaniyang naramdaman ay kaagad din nawala nang makita ang maamong mukha ni Lucas. He looks so differen

