Hera was just staring blankly at the scene in front of her. Parang natuklaw ng ahas ang kaniyang katawan at hindi niya iyon maigalaw. Sa sobrang gulat at sakit na kaniyang nararamdaman ngayon ay hindi mapigilang maging manhid ng kaniyang katawan. Ang sakit sa kaniyang puso ay dumaan papunta sa kaniyang mga nanginginig na palad. Napasinghap si Hera at dahil sa kaniyang ginawa ay naagaw ang atensyon ng dalawang tao na kung maghalikan ay wala ng bukas. Napatingin ang mga ito sa kaniya. Mas lalong nanginig ang buong katawan ni Hera nang makita ang mukha ni Lucas na hindi niya nakita mga ilang araw na. Hindi alam ng babae kung saan ba siya magugulat. Sa katotohanan ba na nagdala si Lucas ng babae sa bahay nito at nadatnan itong may kahalikan o sa paraan ba ng pagtitig ngayon ng lalaki sa ka

