Xyra's POV
"Ikaw lang pala Blake. Saan iyong iba?" tanong ko. Akala ko kung sino. Pinakaba pa ako ng bongga.
"They are waiting for you or us?" napakamot siya ng buhok bago tumawa ng mahina.
"Na-sense ko kasing hindi mo alam pabalik kaya pinuntahan na kita. Hindi nga lang nila alam na umalis ako saglit. So uhm, tara na?" he motion his hands towards the hallway.
Pina-pauna niya akong maglakad pero hindi ko sinunod. Sa totoo lang, nakakailang.
Nagsimula kaming maglakad. Hindi ko pinansin ang ilan sa mga estudyanteng napapatingin sa amin.
I'm new, so what?
"So uh, that sense of yours, ability mo ba 'yon?" pagbasag ko sa katahimikan.
Tumingin siya sa akin pero nag-iwas din agad. Like serioulsy Blake? Hindi naman niya kailangan mahiya or what? We can talk comfortably.
Ah, maitim nga pala ang kulay ko, ito rin siguro ang dahilan kaya napapatingin sa akin ang mga estudyante. At least hindi nila ako kinukutya unlike sa dati kong school.
Tinapik ko siya braso pero para siyang napaso dahil sa ginawa ko. Makapangyarihan na rin ba ang kamay ko? Naks naman, hindi ako na-inform.
"Sorry, medyo awkward lang. I didn't mean to offend you?" depensa niyang sabi na tinanguan ko lang.
"Pero ang cool mo kanina, ang galing mong humagis ng spear, parang sanay na sanay ka na sa pakikipaglaban." He complimented.
Kung alam mo lang Blake. Hindi ako ang gumawa no'n, minsan kinokontrol ako ng Artemis. Kamay ko man o katawan ko.
"Oh really? Hindi naman ata, nadala lang siguro ako ng galit kaya ko 'yon nagawa kay Keehan."
Never had I tried throwing a spear on someone na gano'n kalayo at kabilis. That's definitely not so me. Baka manginig pa ako habang hawak 'yon, ihagis pa kaya. Takot ko na lang na baka may masaktan ako.
This Artemis feels like it's controlling my entire body, especially my hands. Nawawala ako minsan sa sarili to the point na hindi ko na alam ang ginagawa ko. Maliban doon, hinihigop niya enerhiya ko kapag siya ang nagti-take over.
Training, training ang kailangan ko sa ngayon. I have to focus on that.
"I see. Uh, about sa tanong mo, oo. I have the ability to sense something like no'ng hindi mo alam pabalik sa dorm. Basta ka na lang pumasok sa isip ko kaya pinuntahan na kita."
"Salamat. Hindi ata kasi mapagtanungan iyong ilang estudyante dito, which is I find weird. Gano'n ba talaga sila rito o ano?"
"Uh, kung devil iyong napagtanungan mo, hindi ka talaga no'n papansinin, takot lang nila sa section natin, katulad din sa mga bampira pero dahil superior tayo sa kanila hindi nila maiwasang mangatog habang sumasagot. Kaya ayon, sa devils dedma na lang sila." Tumango-tango lang ako habang nakikinig sa paliwanag niya.
"Well, unless kung si Xyrus ang magtanong. Hmm, pero malabo atang mangyari iyon. He's a perfect prince after all."
"I see, ayaw lang nila siguro ng conflict kaya gano'n." Sambit ko.
Natatanaw ko na sila Lyra, Daissy at Elly na kumakaway sa amin. Wala si Keehan, pero nandoon si Lyrex na may pinag-kakaabalahan ata.
Mukhang ready na silang pumasok. Ako na lang siguro ang hindi, namamawis ako at nanlalamig.
"Yeah, sort of. Nga pala, supernatural ang pag-aaralan natin ngayon. Get ready." Sandaling umawang ang bibig ko nang maglaho ito.
Mabilis akong lumapit kay Lyra at Elly at pumagitna. Sa kanila ako medyo komportable, iyong si Daissy kasi medyo aloof, sila palagi ni Lyrex ang magkasama.
"Kumain ka na?" tanong ni Elly. Tumango ako. "Maghanda ka, ah? Hindi madali iyong subject natin ngayon."
"Uhm, oo. Susubukan ko makisabay." Kinakabahang sabi ko.
Ano kaya ang gagawin namin? I have no idea what's in that subject though medyo na-eexcite ako kasi bago ko lang 'to mararanasan.
"Si Keehan? Nasaan? Hindi niyo ata kasama—"
"Bakit? Miss mo na ako?"
Napangiwi ako nang sumulpot siya bigla sa tabi ni Elly pagkatapos ay naunang maglakad.
With his messy hair, and hands on pocket, masasabi kong kagigising lang niya.
"Medyo makapal ang feslak ng lalaking 'yon ah?" sambit ko na tinawanan lang ni Lyra at Elly. "Taas ng tingin sa sarili."
"That's a first." Takang napatingin ako kay Elly.
"Huh? What do you mean?"
"Palagi siyang late sa klase. First time niyang pumasok ngayon na hindi nali-late dahil siguro sa'yo?" natatawang sabi ni Lyra na abala sa pagbabasa.
Kumunot ang noo ko. Gusto ko tuloy matawa sa sinabi niya. Okay lang ba siya? Ako? Magiging dahilan ng pagpasok niya ng maaga? Napaka imposible.
"Keehan bro, wait!" mabilis na hinabol ni Blake si Keehan saka nito inakbayan. "Isang himala talaga 'to bro. Anong nakain mo?"
"Shut up Blake. Inaantok pa ako."
"Bro, dahil ba 'to kay—" hindi na namin narinig ang sunod na sinabi ni Blake dahil nawala na sila sa paningin namin.
"Umamin ang depungol." Lyra muttered. "Sense of hearing, kahit malayo ka." Namilog ang bibig ko. So malakas ang pandinig niya kahit nasa malayo? Ang angas naman no'n.
Tumango na lang ako. That's one of her ability, I see. Si Blake sense of ano nga iyong tawag doon? Nakalimutan ko na. Sense of kung sino ang target? Whatever.
Mapag-aralan nga kung anong mga sense-sense na 'yan. Sure ako na may mga tawag sa senses na 'yon.
Luminga-linga ako sa palagid. Kapansin-pansin talaga kung paano umiwas ang mga estudyante sa amin. Nasa tabi lang sila habang kami nasa gitna ng hallway, naglalakad. Pero nakikita ko naman na sa akin nakapukol ang atensyon at mariing titig nila. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ganitong skin color.
"Nandito na tayo," at muling nanumbalik ang kaba ko na kanina lang ay nawala. "Same place?" Elly asked.
Nakasalubong kasi namin si Blake at Keehan na palalabas ng room. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin kay Keehan na landakang nakatitig sa akin.
Ngunit doon sa sumunod na lalaking lumabas, tila tinakasan ako ng hangin dahil sa dilim ng awra niya.
Nanlamig ako bigla. Siya na ba iyong tinutukoy nilang si Xyrus? Siya ata iyong nakasalubong ko sa office ni principal, eh!
Naman! Iyong nakabangga ko, putik!
"That's him, si Xyrus." Bulong sa'kin ni Elly na nakapagpatindig ng balahibo ko sa katawan. "Don't worry he's harmless, iwasan mo na lang. Halika, doon daw tayo sa gubat."
"O-Okay." Utal kong sabi habang sinusundan ng tingin iyong Xyrus. Iwasan ko lang, iyon lang.
Nasa kalagitnaan na kami ngayon ng kagubatan. At alam ko kung hindi pangkaraniwan ang masasaksihan ko ngayon.
Jusme, parang nasusuka ako na ewan. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Kabadong-kabado ako, bwesit.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng skirt ko just to divert my attention sa magaganap na training?
"Puweding magback out?" bigla kong sabi na tinawanan lang nila.
Wala eh, seryosong-seryoso pa rin iyong si Keehan at Xyrus sa may tabi.
"A-absent na lang ako, parang hindi pa ako ready or never na magiging ready." Sunod-sunod ang paglunok ko.
"I see that you have a new member huh?" At dumagundong ang boses ng lalaki. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.
Dumating na ang professor namin at iyong puso ko nagwawala na. Oh my God! Puwede bang tumakbo na lang?
"Prof, nasusuka ata ako." Truth to be told, sinabi ko talaga iyon sa kanya which is tinawanan lang din niya pati ng mga kasama ko except doon sa dalawa.
"Hey, it's okay. Kumalma ka lang." Tinabihan ako ni Elly at hinagod ang likod ko. "Namumutla ka, just chill."
Tumango ako at pumikit para pakalmahin ang sarili.
"You have me, Xyra." Anang boses babae sa isip ko. "Calm your nerves and focus." Dugtong nito na nakapagpamulat sa akin.
What the? Sino 'yong kumakausap sa akin?
Hindi ko alam kung bakit umaambon ng malakas. Our professor was looking at me na para bang inoobserbahan ako.
"I'm Hanswen, your supernatural professor." Tutok ang mga mata niya sa'kin nang ipakilala ang sarili. Mukhang kilala naman na siya ng iba, sa akin lang nag-introduce since bago lang ako.
"Let's continue our activity. Blake, in front." Pagtawag niya kay Blake. Still umaambon pa rin ng malakas.
"Control it." Kausap sa akin ulit ng babae sa isip ko. "Your emotion are affecting nature. Please calm down."
Pumikit ulit ako at pinakalma ang sarili. Pagmulat ko, hindi na umaambon. Tama nga siya.
"Ayos ka lang ba Xyra?" Elly asked na hinahagod pa rin ang likod ko.
I nodded. "Oo, kumalma na ako."
Napatingin ako sa paligid at hindi inaasahang nagtama ang mga mata namin no'ng Xyrus.
Wala akong makitang emotion sa mga mata niya kundi misteryo. Nag-iwas ako ng tingin bago pa man ma-hypnotize sa magaganda niyang mga mata.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Blake na dala-dala ang isang dambuhalang bato.
"That's super strength." Bulong sa akin ni Elly.
Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako dahil itong mga klaseng senaryo ay imposibleng mong makita sa mundo ng mga tao.
Akalain mo 'yon, gamit lang ang isang kamay ay nadala niya iyon na wala man lang kahirap-hirap.
Literal na umawang ang bibig ko nang durugin ni Blake iyong naglalakihang bato gamit lang ang isa niyang kamay.
Iyon, sobrang super strength. Hindi ako makapaniwala.
""That's what we called super strength in vampire category," our professor said. "Now, let's move on to... Xyra, in front." Humakbang ako at napabuga ng malakas na hangin.
"Kaya mo iyan girl." Pag-che-cheer sa akin ni Elly at Lyra. I forced a smile at them, trying to hide my anxiety.
"There are animals all over this forest. I need you to summon a sloth bear." He commanded and I was like, paano ko gagawin 'yon?
"Pero hindi ko pa po alam kung paano. I don't have any supernatural powers to begin with, prof." Sh1t! Nakakahiya. Sa hindi ko naman talaga alam kung paano, eh.
"I'll give you ten minutes or else I'll burn this forest with you," banta pa niya na nakapag-pagulat sa akin. "Focus, and communicate with them, alam kong may maibubuga ka."
Concentrate Xyra, kaya mo 'to. Huwag kang panghihinaan ng loob, kung kinaya nila, kaya mo rin.
I close my eyes and breathe deeply, trying to calm myself. 'I will burn this forest with you,' the threat echoes in my mind, replaying over and over until I finally hear a voice.
My voice. My inner voice... naririnig ko.
"I'm summoning every sloth bear in this area..." My voice booms with each word, demanding their attention.
Kahit nakapikit ako ay nakikita ko pa rin ang kalawakan ng kagubatan kung saan nagkalat ang mga malalaking oso.
My vision was a bit unclear pero nakikita ko pa rin sila na tila may pinapakinggang boses.
My voice... was different.
"I command all sloth bears in this forest to appear before me!" dalawang beses ko 'yon sinabi na may diin hanggang sa makaramdam ako yanig na para bang may nagtatakbuhan mula sa iba't-ibang parte ng gubat.
Pagmulat ko ay nakapalibot na sa amin ang maraming oso. Ang pupungay ng mga mata nilang nakatitig sa'kin.
"Ang galing..." wika ni Elly. "Natawag mo lahat."
Napalunok ako. Hindi makapaniwala sa nakikita. Nagawa ko? Fvck nagawa ko silang tawagin.
"Hindi ko alam na marami palang sloth bears sa area na 'to at nagawa mo silang tawaging lahat. Now, we are in uhm, danger?" tila natatawa pang sambit ni prof. "You did well. Nagawa mo nang hindi pa natatapos ang oras. Ngunit bago kita lagyan ng grado, gusto kong utusan mo silang umalis dito."
"Po? Pero paano?" akala ko tapos na.
"You still have one minute to do that."
Sunod-sunod ang paglunok bago nilapitan ang pinaka-malaking oso sa tapat ko. Huminga ako ng malalim bago ini-angat ang kamay ko na siya namang hinawakan niya.
Hindi siya gumalaw nang haplusin ko ang mabalahibo niyang ulo.
"I'm sorry for summoning you here and your packmates, kinailangan ko lang talaga para sa activity namin." The bear just nodded like he understood me. Oh my God! Naiintidihan niya ako.
"It's our pleasure to serve you, our goddess." He's talking to me. I can't believe this.
Yumakap pa siya sa akin bago tumalikod. Sumunod sa kanya ang maraming bears na para bang tinatanguan nila ako isa-isa. Parang gusto ko silang habulin at pagyayakapin isa-isa.
"Times up!" anunsyo ni prof.
"He talked to me, prof." Hindi makapaniwalang sabi ko nang humarap na ako sa kanila.
D4mn, ang sarap sa pakiramdam iyong gano'n. Gusto kong ulitin ulit.
"Of course because you have that ability to command, summon and to talk to animals." He beamed at me, but I could see in his eyes na hindi siya sigurado sa sinabi.
"Something is off." I heard him mumble. "Isa lang ang nakakagawa no'n."
"S-Sino po?" kabadong tanong ko nang makalapit sa kanila. This puzzled me. Gusto kong kompirmahin although may idea na ako.
"Artemis, the goddess of the hunt."