Kabanata 15

1660 Words
I heard a soft click from the door at nang bumukas, nataranta ako kung saan ako magtatago. “Kuya—what the hèll?” gulat ang rumehistro sa mukha ni Ella nang bumungad sa kanya ang mga nagkalat na papel sa sahig. “May dumaang bagyo ba rito? Ba't ang kalat?” Bumaling siya sa amin at pinanliitan niya ako ng mata nang mapansin niya ang itsura ko na mahigpit na nakahawak sa kumot. Mabuti na lang at hindi ibang nilalang kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Paano na lang kung iba? Eh ‘di malalaman nilang may ginawa kaming kababalaghan. Bumuga ako ng hangin at ngiti-ngiting napa-peace sign na lang kay Elly na mariing nakatitig sa akin. I think alam na niya ang nangyari. “Hindi naman siguro nagkasiraan ng kama?” pabiro niyang sinilip-silip ang kinaroroonan namin bago tuluyang pumasok at lumapit sa amin. “Anyway, I've been looking for you. Kung hindi pa sinabi ni Blake na pinapunta ka rito ng lalaking ‘yon ay hindi ko pa malalaman.” So, nakita pala ni Blake? Ba't hindi man lang niya pinigilan? Siguro alam niyang nandito si Xyrus. “How's your feeling? You passed out?” humalukipkip siyang ngumisi. Natunugan kong gusto niyang mang-asar pero dahil nandito ang kuya niya, hindi na magawa. Takot lang niya. “Well,” nagbaba ako ng tingin kay Xyrus na seryosong ginagamot ang mga iniwang kagat sa akin. Mukhang napasobra siya kanina na hindi ko man lang naramdaman. Weird. Ang gaan pa nga ng pakiramdam ko. Feeling ko ang blooming ko. “Nakikita ko naman siguro?” I mouthed at her. Bumungisngis siya. “That's given. So, uh, kuya?” bumaling siya kay Xyrus. “What's the plan? Isasama mo ba kaming tatlo?” Hindi agad nakasagot si Xyrus na tila may malalim na iniisip. “Xyrus?” sinundot ko siya sa braso dahilan para mapatingin siya sa akin. “Tawag ka ng kapatid mo.” Natigilan ako nang haplusin niya ang suot kong kwentas habang titig na titig sa mga mata ko. “You eyes is glowing again,” napakurap ako sa sinabi niya. “And your necklace, it's turning red.” Napatingin ako sa kwentas ko. He's right, it's turning red. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Magiging bampira na rin ba ako? Magkakapangil na ba ako? O baka naman dahil palagi niya akong inaangkin? “Kuya, that's normal. She's your mate. It symbolize na kayo talaga. Na siya ang pinili mo,” paliwanag ni Elly. “You did the ritual kaya magbabago talaga. I'm not sure when her next transformation will be. It's in three stages. The first one makes her body burn like fire. The next—I'm not sure. Hindi pa natin alam kung ano ba talaga siya. She's neither human nor vampire, and the last stage is the worst. I don't know if she can endure the pain.” Dagdag niya na para bang wala ako dito. Wala akong idea sa sinasabi niya pero naramdaman ko na ‘yong unang stage na parang tinutupok ng apoy ang katawan ko at—shiit! We had sèx that time. Hindi ko na maalala kung ilang beses. Nakagat ko ang ibabang labi nang sumagi sa isip ko kung paano ako naulol sa sarap no'n katulad ng kanina. Mabilis akong napatingin kay Xyrus nang bigla siyang tumawa ng mahina. Could it be—nababasa niya ang nasa isip ko? Shocks! Nakalimutan kong bampira pala siya. “Ikaw!” wala sa sariling napalo ko siya sa braso. “Stop reading my mind! Ang unfair mo!” He chuckled once again. “I can't help it. Ako rin naman naulol.” Nanlaki ang mga mata ko. “Manahimik ka nga!” Napasunod ako ng tingin sa kanya nang tumayo siya. “Hindi na masyadong visible ang mga kagat,” namulsa siyang humarap kay Elly. “Dress her up. Ayokong nakikita ng iba ang balat niya.” Namilog ang bibig namin ni Elly, hindi inaasahan na sasabihin niya ‘yon. “O-Okay? Alright… masusunod.” Elly glanced at me with her infamous smirk. “No showing of skin pala ‘tong si kuya.” “Tss.” And poof, nawala na lang ito na parang bula. “Nagbembangan kayo ni kuya?!” biglang sabi niya na nagpagulat sa akin ng sobra. “Goodness, your eyes, it's glowing red with a touch of gold.” Kumunot ang noo ko. “Meaning?” “B-Baka malapit ka nang maging katulad namin,” nasisiyahang sabi niya. “Pero nag-ano kayo ni kuya?” Nag-iwas ako ng tingin kasi nakakahiya. Hindi ako na-inform na mapapasabak ako ng Q&A tapos ganito pa ang topic. Deritsyahan. “Kailangan.” Mahinang sagot ko. “At bakit?” usisa pa niya. “I got a cut on my cheek. Hindi kasi ako kumatok no'ng pumasok ako rito kaya ang sumalubong sa akin ay tasa.” Kwento ko. “Oh, ayaw talaga no'n nang hindi kumakatok. Buti hindi kuko niya ang tumarak sa leeg mo. Anyway, hindi naman siguro nagkaroon ng cut ang sa baba mo?” “Elly naman, eh,” napakamot ako ng buhok. Tumawa siya sabay turo sa akin. “Namumula ka. Naka-ilang bembangan naman kayo kaya sanay na siguro ‘yan. Tara at nang mabihisan na kita. Doon tayo a kwarto ko.” Bembangan talaga? Saan kaya niya nalaman ang salita na 'yon? First time kong marinig. “Do you have skirt? Medyo mahapdi kasi.” Nahihiyang pag-amin ko sa kanya. “Iyong above the knee? Ayoko mo na sanang magsuot ng panty.” “A-Are you sure? Baka kalkalin ‘yan ni kuya kapag nalaman niya.” Napalunok ako. Grabe naman sa kalkalin. Sa gusto ko mo nang pahanginan ang pagkababàe ko. Pipigilan ko na lang siguro siya kung tatangkain niyang kalkalin. “Basta skirt. Ako na bahala magpaliwanag sa kanya.” Sabi ko kaya wala siyang nagawa. I thought kasama na ‘yon sa ginamot ni Xyrus, hindi pala. — “A-Ano ‘yan?” namamanghang tanong ko sa bilog na parang tubig na nasa harapan namin ngayon. “Papasok tayo dyan? Makakahinga ba tayo sa loob niya?” sunod-sunod kong tanong na tinawanan ni Blake at Elly habang si Xyrus tahimik sa tabi ko. Nagpaliwanag naman ako sa kanya tungkol sa suot ko pero hindi ako pinansin. Mukhang mapapasubo ako nito dahil hindi ko nasunod ang gusto niya. “Xyrus?” mahinang tawag ko dito at hinila-hila ang manggas ng damit niya. “Galit ka ba?” No response. Still ignored. “Portal ‘yan papunta sa mundo ng mga tao,” paliwanag ni Elly. “We have a mission there.” Misyon? Para saan? “We have to find the flower first, before someone else does.” Sabat naman ni Blake. “Exciting ‘to. May dadanàk na namang dugö para makipag-agawan.” Napalunok ako. Ba't ako kasama? “Bukod doon, may kailangan ding trabauhin si kuya sa kumpanya. Wonder why bakit kasama ka?” nakangising umakbay sa akin si Elly. “B-Bakit?” kabadong tanong ko. Ayoko na ngang bumalik doon dahil sa mga humahabol sa akin tapos isasama pa nila ako. Paano kung mangyari ulit ‘yon? Wala pa naman si Sir Oliver na magliligtas sa akin sa kapahamakan. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko sabay bulong, “He can't live without his mate. In short, bawal kayong mapaghiwalay ng matagal and beside hindi ka rin niyan matiis na hindi makita. Mababaliw—” “Stop the nonsense, Elly.” Malamig niyang sabi kaya natikom ni Elly ang bibig. “Basta ‘yon.” Mabilis niyang sabi at hinila si Blake papasok ng portal. Kami na lang ni Xyrus ang naiwan at nakakailang na walang nagsasalita. “Don't believe whatever Elly is saying.” Basag niya sa katahimikan at hinila na ako papasok sa portal at sa isang iglap nasa isang rooftop na kami. “Let's go.” Binitawan niya ang kamay ko. Bakit ba siya nagagalit? Dahil lang sa hindi ko siya nasunod? Kainis! Kung hindi sana siya napasobra, hindi ako magsusuot ng skirt! “Bwisit!” Inunahan ko siyang maglakad. “Bahala ka sa buhay mo.” Sumabay sa akin si Elly at Blake, at pinagtawanan pa ako kung bakit daw ako inis na inis kay Xyrus. Hindi pa ba halata? Malamang kasi napaka-arogante niya. Akala mo kung sino. Kung bampira lang siguro ako, ibabaon ko talaga ang pangîl ko sa leeg niya. Paglabas namin ng abandonadong building ay bumungad sa amin ang nagtaasang gusali na kulay itim ang labas na may nakaukit na “XY Empire.” So, ito ang kumpanya nila? Infairness, nakakalula sa taas. “Ilang araw tayo dito?” tanong ko kay Elly. “Depende kung mahahanap natin agad ‘yong bulaklak.” “Para saan ba ‘yon? Gano'n ba kahalaga para sadyain niyo pa dito sa mundo ng mga tao?” tanong ko. Hindi ko alam kung paano namin ‘yon hahanapin, eh ang daming klaseng bulaklak dito unless they have specific picture for that. Elly didn't answer, which made me wonder. “If you don't have anything nice to say, just be quiet.” Napamaang ang bibig ko nang banggain ni Xyrus ang braso ko at nilampasan kami. Hinabol ko siya at gigil na hinawakan ito sa kamay. “Ano bang problema mo ha?! Nagtanong lang naman ako—” “Kuya/Xyrus!” Napasuka ako ng dugô nang tumama ang likod ko sa pader. Pakiramdam ko nagcrack ‘yon sa sobrang lakas ng impact. Mabilis nakalapit sina Elly at Blake sa kinaroroonan ko at pinagtulungan na ilipat sa kanila ‘yong sakit na nararamdaman ko. “H-Huwag…” daing ko at muling napasuka ng dugó. “Xyra! Xyra! Shiit! Nagsusuka siya ng dugô!” Elly shouted. Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga. Katapusan ko na yata. “Anong ginawa niyo sa kanya?!” nakita ko kung paano tumilapon si Blake at Elly. Ang boses na ‘yon… Luther?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD