"I'll come with you," napatingin ako kay Elly nang alalayan niya akong makatayo. "Wala kang kilala sa lugar na 'yon bukod sa amin ni kuya. It's not safe. Saka hindi rin alam ni Oliver na pupunta ka doon kaya sasama ako. Malalagot ako kay kuya kapag nalaman niyang hinayaan kitang pumunta doon na mag-isa lang."
Kumunot ang noo ko. "Uh, it's your kingdom, Elly. Hindi naman ako mawawala doon? And secured naman?"
Marahas siyang umiling. "No," she said with finality. "Safe kapag nasa loob ka na ng palasyo namin pero 'yong papunta doon? No, no... not safe."
"O-Okay? S-Sige," sagot ko na lang. Sa sinabi niyang 'yon, mabuti na ngang sumama siya at baka hindi na ako makabalik ng buhay dito. "Kaya ko na. Nabawi ko naman ang lakas ko no'ng tulog ako."
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko at napakamot ng buhok.
"Pasensya na ha? Napag-utusan lang ng magaling kong kuya," sandali akong natigilan sa sinabi niya. Si Xyrus? Akala ko wala nang pakialam ang isang 'yon sa akin. "Dumaan muna siya sa akin bago umalis para sabihin na bantayan ka. Mahina ka pa raw eh."
Okay na sana eh, dinagdagan pa ng mahina. Pero aminado naman akong mahina pa at wala sa kalingkingan ng galing nila kumpara sa level ko ngayon kaya kailangan magsanay ng magsanay hanggang sa maabot ko sa kanila.
Skills? Madali lang naman pero pagdating sa kapangyarihan? It takes time lalo sa evolution ng espada ko na makaubos ng enerhiya sa katawan kapag ginagamit.
Kontrolad ko naman 'yong ibang form ng sandata pero kapag pinipilit ko sa pinakamahirap na form, nahihirapan ako at doon talaga ako nanghihina ng sobra.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ni Lyra na akala ko ay nakaalis na. "You know the drills, Elly."
"Yeah, magsi-signal lang ako kapag may umatake sa amin sa daan," sagot ni Elly kaya doon ko pa lang naintindihan ang sinabi ni Lyra.
"Bye!" with that Lyra vanished.
"Okay lang ba kung hindi alam ni Oliver na pupunta ako sa inyo?" kuryusidad na tanong ko.
Elly crossed her arms on her chest as we walked out of the room. Naglalakad kami ngayon sa hallway palabas ng facility na siyang tambayan ng pureblood vampires.
"Elly?" sinundot ko ang balikat niya.
"Ha? Ano ulit 'yon?" ang lalim na naman ng iniisip niya. Hindi niya yata narinig ang tanong ko. "Paki-ulit? Sorry, may iniisip na naman." Peke siyang tumawa na tinawanan ko na lang din.
"Ah, sabi ko, okay lang ba kung hindi alam ni Oliver na pupunta ako sa inyo?" medyo nilakasan ko ang boses nang matauhan siya.
"Hindi naman siguro," aniya. "Doon lang naman sa amin kaya walang problema. May tiwala siya sa—"
"Elly! Xyra! Saan kayo?" salubong sa amin ni Blake. "Nabalitaan kong pupunta daw kayo sa palasyo nila Xyrus?" tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Elly. "Alam na ba niya?"
Kumunot ang noo ko. Alam na ano?
"Na ano?" nahihiwagaang tanong ko.
Hindi ko alam bakit bigla na lang kumabog ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Anong meron? Tungkol ba ito doon sa envelope na nakita ko sa bedside table? Na siya ring dahilan bakit wala si Xyrus?
Hindi ko pinahalata sa kanila na interesado ako kahit nauna na 'yong tanong ko. I'm just casually asking. That's it.
But the thing is, pabilis nang pabilis ang paghaharumentado ng puso ko.
"Sinasabi mo dyan?" takang tanong ni Ellt dito. "Wala akong idea sa sinasabi mo."
"Eh? Akala ko tungkol sa engagement ni Xyrus," biglang bumigat ang didbib ko. E-Engagement? "Eh 'di ba kasi crown prince? He needs a wife para maging king?"
Nakita kong napatingin sa akin si Elly pero agad din inilipat kay Blake na naging palaisapan yata ang pagpunta namin kina Xyrus.
"Ewan ko sa'yo, Blake. Tumabi ka dyan. Sumasakit ulo ko sa'yo." Nahilot ni Elly ang noo at tinulak sa tabi si Blake na tawang-tawa.
Umakbay siya sa akin at sumabay na sa amin palabas. "Kidding. Kinabahan ka, Xyra 'no? Akala mo ikakasal na si Xyrus? Aminin mo na kasing crush mo kaso alam naman nating masungit 'yon at 'di namamansin minsan."
"Sa'yo lang, Blake. Ingay mo kasi," hirit pa ni Elly. "Nasaan ba ang mga kasama mo at napadpad ka dito?"
"Iniwan ko sa field. Gusto ko sanang sumama sa inyo, bored na ako dito. I want something new." Humalakhak pa nga siya na parang nawala na sa sarili.
"Baliw! Ilang beses ka na ngang nakapunta doon. Anong new new ka dyan?"
"Gaganda kasi ng katulong doon," napanganga ako sa sinabi niya. "Nakakasawa na kasi ang mukha ng mga prinse—aray!"
Natawa ako nang paghahampasin siya ni Elly sa balikat.
"Sinasabi mo bang nakakasawa ang mukha ko ha?!" singhal nito sa lalaki. "Ikaw ngang mukhang pwet ng manok, pinagtitiisan ko!"
Nanlaki ang mga mata ni Blake. "Itong mukhang 'to?!" sabay turo niya sa mukha at hinarap si Elly habang nanlalaki pa rin ang mga mata. "Ito?! Pwet na manok?! How dare you!"
"Oo! And how dare you too!"
Mababasag na yata eardrums ko sa lakas ng sigaw ni Elly.
"Mas pangit ka naman!" at hindi nagpatalo si Blake. Napikon na ata. "Kung sa akin pwet ng manok, eh 'di sa'yo, 'yong pwet ko na lang! Palugit na 'yon! Kasi makinis sa akin! Iyong manok, lukot na 'yon!"
Natahimik kami ni Elly hanggang sa 'di ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak ng tawa. Hindi ko kinaya ang batuhan nila ng salita.
"Xyra naman!" sabay nilang sigaw.
"B-Bakit?" natatawang tanong ko at napahawak sa tyan. "Nakakatawa kayo eh. Sorry naman."
"Eh!"
Magbabangayan pa sana ulit sila nang hilain ko na sila palabas ng facility. Kahit ayaw isama ni Elly si Blake ay isinama ko na. Tingnan natin kung makakabingwit siya doon ng magandang kasambahay.
Habang nasa biyahe kami, nakinig lang akos a kwentuhan nila. Hangga't maaari ay hindi ko muna ikukuwento sa kanila tungkol sa pagkatao ko at kung saan ako nanggaling.
It's not like hindi ko sila pinagkakatiwalaan pero mabuti na 'yong wala silang alam. Sa ngayon, si Oliver lang ang tanging may alam sa pagkatao ko, kung sino talaga ako at saan ako nanggaling.
Hindi ko alam kung ilang oras kami bumyahe. Namalayan ko na lang ang sarili na ginigising ni Elly dahil malapit kami.
"Sarap ng tulog ah," ani Blake at pinisil pa ang kaliwang pisngi ko. "Dito na tayo. Ihanda mo ang kiffy mo para kay Xyrus."
"Hoy!" saway sa kanya ni Ellya at pinandilatan ng mata. "Pasmado mong bibig, Blake, ha."
"Joke lang eh. Lahat na lang sinseryoso mo, tubuan ka sana ng wrinkles. Maaga kang tatanda niyan," naiiling na sabi ni Blake at no'ng tumigil ang kotse ay bumaba na agad siya.
"Buntis ka ba, Xyra?" lumaglag ang panga ko sa maka-warshock na tanong ni Elly. "Lagi ka na lang tulog."
"Hindi ah!" depensa ko.
Humagikhik na tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Sounds defensive 'no?" tingin ko mas malala pa siya kay Blake. "Okay lang 'yan, mas matutuwa pa si kuya."
Na mabuntis niya ako? Oh God! Wala sa plano ko 'yon! P-Pero h-hindi yata uso protection s-sa kanila? Sh1t!
"Hoy! Lumabas na kayo dyan!" kung makasigaw naman 'tong si Blake, parang nasa kabilang mundo ang tinatawag.
Hinila na ako ni Elly palabas ng kotse at nang makababa ay nalula ako sa laki ng palasyo nila. Grabe, ang laki nito! Akala ko sa movies ko lang makikita, hindi pala!
Hindi ko man lang na-enjoy ang view ng palasyo sa labas dahil hinatak na ako ng dalawa papasok sa loob.
"Sh1t! May bago!" binitawan ni Blake ang kamay ko at mabilis na tinungo ang kumpulan ng mga kasambahay saka inaya sa labas. Ang galing. Matinik ang isang 'yon.
"Dito ka lang, Xy ha? May kakausapin lang ako." Paalam ni Elly kaya tinanguan ko na lang.
Naiwan ako sa sala kaya habang hinintay ang dalawa, inilibot ko ang tingin sa loob. Ang bongga ng itsura. Gothic style pero hindi nakakatakot gaya no'ng napapanood ko sa tv. Pakiramdam ko nga, sinasamp4l na naman ako ng kahirapan.
"Ikaw ba 'yong bagong katulong?" napatingin ako sa lalaki.
"Ako?" naituro ko ang sarili.
Mukha ba akong katulong? Ah, dahil siguro sa kulay ko.
"Sino pa ba? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" ay aba, ang sungit. "Go, dalhin mo 'to sa kwarto niya."
"Nino?" mapapasubo ako nito. Ni hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
Marahas siyang bumuntong hininga at ipinahawak sa akin ang platito na may nakapatong na tasa na tingin ko ay malamang kape.
"Nakikita mo ba 'yang kwarto?" sinundan ko ng tingin ang tinuro niya. "You'll meet him there, 'yong amo mo. Good luck." And with that, he left.
Kahit hindi ko alam ang nangyayari, kusang gumalaw ang mga paa ko at tinahak ang daan papunta sa kwartong 'yon.
Paghawak ko ng doorknob, nakaramdam ako ng mabigat na enerhiya lalo na no'ng pihitin ko ang saradora.
Tutuloy pa ba ako? Parang gusto ko na lang umurong. Pabigat nang pabigat ang awrang nararamdaman ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan kasabay ng paghagis ng kung ano sa gilid ng ulo ko.
Natulala ako sa sobrang gulat at naramdaman ang paghapdi ng pisngi ko. May nabasag at tumalsik ang bubog no'n.
"Who instructed you to enter without knocking—Xyra?"
That voice... hindi ako pwedeng magkamali.
AUTHOR'S NOTE: hi, are you still reading this? if meron man, comment 'me' naman dyan 🥺