“X-Xyra?” narinig ko ang boses ni Elly kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. “Hey, we’re here. Are you okay?”
Palabo pa rin ang mga mata ko pero paunti-unti ay nagiging malinaw na.
“A-Anong nangyari?” tanong ko habang inisa-isang tingnan ang mga kasama. “Naliligo ako tapos ‘yong hamog sa paliguan...” lumunok muna ako bago nagpatuloy. “Iba ang epekto sa akin.”
Nagpalitan sila ng makahulugang tingin bago ulit ibinaling ni Elly ang tingin sa akin. “Natagpuan ka ni Lyra na walang malay sa sahig,” tugon nito. “Iyong hamog na tinutukoy mo, wala naman kaming naging problema.”
Inilalayan niya akong makasandal sa headboard ng kama. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito pero amony panglalake.
“Sigurado ba kayong safe doon?” takang tanong ko. “May nakita ako. Hindi ko mamukhaan dahil sa kapal ng hamog at panlalabo ng paningin ko.”
“B-Baka nananaginip ka lang, Xyra. Walang nakakapasok doon kundi kami lang na mga pureblood vampire.” Sagot nito na para bang nahihiwagaan sa kwento ko.
“Sagrado ang lugar na ‘yon, Xyra. Kapag hindi namin pinahintulutan ang sinumang nagbabalak pumasok doon ay titilapon. Sino ba ang kasama mong pumunta ro’n?” si Lyrex na hindi man lang tumingin sa akin dahil abala sa pagbabasa.
“Ako ang naghatid sa kanya ro’n,” pare-parehas kaming napatingin sa lalakeng prenteng nakasandal sa sofa. “What? I didn’t do anything. Maasim daw siya at gustong maligo kaya sinamahan ko pero hanggang sa labas lang.”
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Iyong maasim talaga, bwesit! Hindi ba puwedeng ilihim na lang? Siniwalat pa talaga. Nakakahiya.
Napahilamos ako ng mukha sa kahihiyan nang marinig ko ang bungisngisan ni Lyrex, Blake at Daissy, maski si Elly ay gusto rin tumawa pero halatang pinipigilan niya. Pansin ko wala ata si Lyra. Saan na ‘yon?
“Totoo ba na si Keehan ang naghatid sa’yo?” tanong ni Elly na tinanguan ko ng mahina. “Lalake ba ang nakita mo? Hindi mo talaga namukhaan?”
“Sigurado akong lalake ‘yon pero iyong mamukhaan? Hindi ko talaga maklaro, ang labo.” Turan ko na tinaguan naman niya.
“Alright, Lyrex and Blake you know what to do,” nagtaka ako sa sinabi ni Elly at sa isang iglap naglaho ang dalawa. “Pero hindi ka naman niya sinaktan? Walang masakit sa’yo?”
Pinakiramdaman ko muna ang sarili at marahang umiling. Kung sasabihin kong medyo masakit ang pagitan ko, malalaman nilang may nangyari sa amin no’ng estrangherong lalakeng ‘yon.
“Wala naman,” mahinang usal ko na ikinabuntong hininga niya. “Si Lyra?” pag-iiba ko ng topic.
Wala namang masakit bukod sa pagkabab4e kong napunit sa pagiging marahas ng lalakeng ‘yon.
“May pinuntahan,” sagot ni Elly. Bahagya akong nagulat nang dumukyang siya sa akin. “Your necklace, Xyra.”
Mabilis kong hinawakan ang kwintas ko at napatingin din dito. Bakit naging ganito ‘to? Anong nangyari? Dahil ba ‘to sa ritwal kanina?
“Nag-iiba ang kulay,” nagtama ang mata namin. “And your eyes…”
Dinaga ng kaba ang dibdib ko. Anong meron sa mata ko? “B-Bakit? May mali ba?”
“It's turning golden with a hint of red,” namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Tumindi lalo ang kabang nararamdaman ko. Mabilis na nakarating si Keehan sa kinaroroonan namin pagkarinig kay Ella. Now, all eyes were on me. “Show me your neck.”
Mabilis kong ipinakita sa kanya ang leeg ko. Napatakip siya ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
“B-Bakit ganyan ang reaction mo?” shît! Lason ba makagat ng isang bampira?
“Hindi ordinaryong nilalang ang kumagat sa’yo,” hindi makapaniwalang untag niya. “Wala akong idea kung sino pero nasisiguro kong iba ang kagat na ‘yan. Markado ka, Xyra.”
“Iyong lalake…” halos pabulong ko sabi.
“Wala si Oliver kaya wala tayong mapagtatanungan. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya nang ihabilin ka niya sa amin.” Ani Elly at natulalang napatitig sa leeg ko.
“Babalik at babalikan ka no’n para gawing—”
“Shut it, Daissy. Huwag mo siyang takutin.” Pagpapatigil sa kanya ni Elly.
“Oh, well, bahala kayo kung ayaw niyong ipaalam.” Si Daissy na umupo na lang sa sofa.
Alam kong babalikan ako ng nilalang na ‘yon at wala akong panlaban para protektahan ang sarili ko dahil namarkahan na niya ako.
Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay pisikalan itong labanan. I have with my Artemis— kinapa ko ang hita ko at nataranta nang wala akong makapa ro’n.
“What’s wrong, Xyra?” naguguluhang tanong ni Elly. “Nawawala ang sandata—”
“Are you looking for this?” napatingin ako sa lalakeng bigla na lang sumulpot sa harap. Mabilis kong nasalo ang aking sandata nang ihagis niya sa akin. “I was taking a shower when I saw that.” Hindi ko alam kung bakit nagtataasan ang balahibo ko sa lamig at lalim ng boses niya.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa ganda ng mukha niya. His features were sculpted by a master, sharp and defined. The high cheekbones, the sharp jawline, the way his lips curved into a smirk that could melt glaciers - it was all so...unfairly beautiful. His eyes, though, were the most striking. They were deep, almost black, red, like pools of molten ruby. Ang puti niya, tinalo pa ako.
Bumaba ang tingin ko sa mapulala niyang labi. It was tempting and lickable. G-Gusto kong tikman nang basain niya ‘yon.
Natauhan ako nang bigla siyang tumawa ng mahina. Anong nakakatawa?
“Thank you,” usal ko at nag-iwas ng tingin. Baka sabihin pa nilang pinagnanasaan ko. Ibinalik ko ang tingin kay Elly na matamang nakatitig sa lalake. “Elly, kaninong kwarto ‘to?”
“Mine,” Xyrus replied. “Are you okay?” ako ba ang tinatanong niya? “I’m asking you, Xyra.”
Hindi magkandaugagang nilingon ko ito na para bang nasa loob ako ng spell. “O-Okay lang naman ako.” Sagot ko at hindi nakalagpas sa mata ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
“You can stay here, vampires don’t sleep.” Aniya na hindi ko inasahang sasabihin niya.
“Kuya, okay ka lang?” natigilan ako. Magkapatid sila? “Ah, nakalimutan kong sabihin sa’yo, magkapatid kami. Gano’n talaga kami minsan kapag nasa labas, weird ‘no?”
“H-Hindi naman, nagulat lang.” Tigalgal na sagot ko. Kaya pala may hawig, magkapatid pala.
“Pero seryoso kuya? Walang halong biro?” takang tanong ni Elly na tila napakabigdeal sa kanila na offer-an ako ni Xyrus na dito magstay sa kwarto niya since hindi naman sila natutulog.
“Okay lang, salamat sa offer, pero pwede naman akong matulog sa sala.” Sabi ko at tinanggal ang kumot na nakapulupot sa akin.
Patayo na sana ako nang mapayakap ako sa aking sarili dahil sa biglang paglamig. Nagsimulang manginig ang labi ko at pangangatog ng aking tuhod.
“Anong nangyayari sa’yo, Xyra? Bakit nanginginig ka?” alalang tanong ni Elly.
“H-Hindi k-ko alam, b-bigla na lang lumamig. Hindi niyo ba nararamdaman?” nangangatal kong tanong.
“Malamig na kami, Xyra. Sanay na kami. Mahiga ka ulit at balutin mo ng kumot ang katawan.” Anito kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Bumalaktot ako sa tindi ng lamig na nararamdaman ko na parang nakalagay ako sa isang refrigerator.
"I thought you weren't into staying here.” Akala ko nakaalis na siya. Nandito pa pala.
“Kuya naman, puwede ba? Bago pa lang siya.” Si Elly na mukhang inis na sa kuya.
“I didn’t say that pero kung gusto mo’kong paalisin, puwede ko bang hiramin ang kumot? Doon na lang ako sa sala.” Sabi ko. Hindi ko alam bakit parang natutuwa pa siya na nasa ganitong kondisyon ako.
“And what makes you think na ipapahiram ko sa’yo?” napamura ako sa aking isipan. Ang suplado niya. Hihiramin lang ang kumot, ipinagdadamot pa.
“Sige, salamat.” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, bumangon ako mula sa kama habang yakap ang sarili at walang imik na lumabas ng kwarto.
“Xyra, sandali! Ikaw naman kasi kuya! Ang sama mo!” rinig kong sabi ni Elly.
Tinungo ko ang sala at baluktot na humiga sa isa sa mga couch. Kaya ko pa namang tiisin. Epekto lang siguro ‘to ng nangyari sa akin.
“I like your strong personality. Tinitiis mo kahit alam mong puwede mong ikamatay,” hindi ko pinansin si Keehan. “Sa aming grupo, si Xyrus ang pinakawalang puso—scratch, our heart doesn’t beat, hm walang awa, I guess?”
Aware akong hindi tumitib0k ang kanilang puso at para silang malamig na bangkay dahil sa lamig, pero wala akong pakialam. I hate that guy, I hate Xyrus. Akala mo kung sino.
May pa-offer-offer pa siyang nalalaman tapos gano’n ang sasabihin? Bwesit! Kaimbyerna. Hindi na sana nag-offer.
"I'm sorry, I can't warm you up. My body is like an ice-cold.” Naramdaman ko ang pag-alis niya.
Pinilit ko na lang ipikit ang mga mata at baka sakaling pag nakatulog ako ay hindi na malamig. Nanginginig pa rin ako but I can still endure it.
Bumigat ang talukap ng mata ko at hindi pinansin ang nilalang na nasa likuran ko.
“Kuya, what are you doing?” I heard Elly almost like a whisper.
“Warm her up?” naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko at nagsumiksik sa bumuhat sa’kin.