Kabanata 52

1664 Words

Agad kaming tumakbo at sumakay ng kalesa dahil sa narinig namin. Sobra ang kabog ng dibdib ko, humihiling na sana'y hindi ito isang biktima na katulad kay Binibining Susan. Napasinghap pa ako nang sa harap ng simbahan kami huminto. Ano 'to? Wala na ba talagang takot sa Diyos ang mga tao ngayon? Pagkarating namin ay marami na ang mga tao kaya nag-desisyon si Joaquin na paalisin na muna ang mga tao at magpa-iwan ang mga nakakita sa katawan at sa mga guwardiya. "Kilala niyo ba ang dalagang ito?" tanong ni Joaquin. May mga sumagot na man. Hindi na kami masyadong lumapit nina Amelia dahil dinidistansya na nila ang mga tao sa bangkay. "Si Binibining Flora, Ginoo. Isang tagapaglingkod sa simbahan, huli po siyang nakita kaninang umaga na namimitas ng mga bulaklak upang mag-ayos rito sa simbaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD