"Joe? Divine? Josh? Percy?" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang apat at hindi ko maintindihan kung anong ginagawa nila rito. "Teka lang naman kasi, Cleo, 'yong damit ko nakukunot," mas napangaga naman ako nang makita ko sina Vernon, Cleo, Bryan at Fifth. Anong ginagawa nila rito? "Hehe, hi, Hannah!" parang wala lang na bati sa akin nina Divine at Joe. Napakamot naman sa ulo si Josh, habang nakacross arms naman si Percy at parang walang pakialam. "Binibini, sinong—" naputol naman ang sasabihin ni Joaquin at napaatras nang makita niya silang lahat. "Omg! Si Adonis na ba yan? Shuta!" kilig na kilig na sabi ni Joe. "Put--bakit nagmature na siya? Huhu," isa pa tong drama actress na Divine na 'to. Napamasahe na lang talaga ako sa sentido ko. "Anong ginagawa niyo rito?!" sigaw ko sa

