PAGKAUWI nilang mag-ina sa bahay ay magiliw na inasikaso ni Gretel ang anak niya. Pinalitan niya ito ng damit pambahay. "Dito ka muna, Bern. Sa baba na muna si Mama para maihanda ko ang pagkain nating dalawa," sabi ni Gretel sa anak. "Sige po, Mama. I love you po," buong pusong sambit ng kanyang anak. Napangiti si Gretel sa tinuran ng kanyang anak. "Mahal din kita, Bern." Saka masuyong hinalikan sa noo si Bern at naglakad palabas ng kiwarto nilang mag-ina. Pagkababa niya sa sala ay nakita niya si Rafael na humahangos palapit sa kanya. Nagtataka siya sa galit na nakikita nito sa mukha ng asawa. Tinawid ni Rafael ang pagitan nila ng asawa niya. At agad na sinakal sa leeg si Gretel. "Ikaw ang kumuha ng pera ko! Nawawala ang pera sa kompanya ko, Gretel. Ilabas mo na!" nagtatagis ang baga

