"GRETEL, i-entertain mo naman si Rafael. I know you two will get along. Kapag nagkausap na kayong dalawa. Hindi mo naman siguro gustong marinig ang tungkol sa usaping negosyo, di ba, Gretel?" walang gana na tumango ng ulo si Gretel at tinapunan nang tingin ang lalaking limang taon lang ang tanda sa kanya— si Rafael Villanueva. Anak ng isa sa mga kasosyo ng mga Terante.
"Hijo, sige na. Sumama ka na kay Gretel. Siya na ang bahala sa 'yo. Maiinip lang kayong dalawa dito," sabi naman ni Grace sa binata. Binalingan ni Grace si Ziline— ang ina ni Rafael. Nginitian siya nito. Nagpapahiwatig ang mga tinginan na iyon ng magkaibigan.
Tumango naman ng ulo si Rafael. Hinawakan siya sa braso ng Daddy niya na si Randy Villanueva. Binulungan ang anak at pagkatapos ay tumayo na si Rafael.
Hindi maipinta ang mukha ni Gretel na napilitang tumayo na rin. Simula noong dumating ang pamilya Villanueva ay kanina pa siya ipinapareha ng Mommy niya sa Rafael na iyon. Ngayon lang din niya ito nakilala. Sa hilatsa palang ng mukha ng binata. Hindi na niya mapapagkatiwalaan ito.
Birthday ng Daddy ni Gretel at may malaking party na inorganisa ng Mommy niya para sa Ama. Mas gugustuhin ni Gretel na magkulong sa kuwarto niya kesa makipagplastikan sa mga bisita sa birthday party ng Ama. Kagaya ngayon, kasama niya ang anak ng kaibigan ng Daddy niya.
Iginiya ni Gretel si Rafael sa isang mesa hindi kalayuan sa lamesa ng mga parents nila. "Can I invite you? Gusto ko sanang maka-kwentuhan ka?" aya ni Rafa sa kanya. Pagkaupo pa lang nilang dalawa sa isang bakante ng dalawang upuan. Hindi kalayuan sa kanilang mga magulang.
"Andito na tayo sa labas. Saka nag-uusap naman na tayo. Bakit kailangan pa nating umalis para magkuwentuhan?" iritadong sagot ni Gretel. Hindi nagustuhan ni Rafael ang tono ng boses ng dalaga.
"Hey! Don't treat me like that. You still don't know me yet. I just want to know you better. Kaya inaaya kitang lumabas. Wala naman akong gagawin sayong masama. Kung iyan ang isinasaksak mo sa utak mo."
"Ayokong maging rude. Pero sasabihin ko na kaagad. Hindi kita gusto. At ayoko sumama sa 'yo. Napilitan lang ako dahil sa gusto ni Mommy. At inutos niyang samahan kita," diretsong sambit ni Gretel. Wala namang makitang reaksiyon si Gretel sa mukha ni Rafael.
"Well, kahit ako naman. Hindi rin kita gusto. Masyado 'kang brat. Mataas ang tingin mo sa sarili mo. Si Daddy lang ang nagsasabing, treat you right. Ako nga, hindi mo kayang tratuhin ng maayos ngayon. Parang ini-invite ka lang sa labas. Pagkatapos sasagutin mo ako ng pabalang," medyo may galit na ang tono ng boses ni Rafael.
Napaatas ang kilay ni Gretel. Ang lakas naman ng loob nitong tawagin siyang brat. "Hoy, excuse me. Hindi ako brat. Kahit na nag-iisa akong anak nila Mommy at Daddy hindi ako brat. I know how to value money. Hindi ako gastador na kung ano-ano lang ang binibili."
Natawa si Rafael sa tinuran ni Gretel. "Sa ikinikilos mo. Brat ka. Tinatarayan mo pa ako. Baka hindi ko ako kilala. Ako si Rafael Villanueva. Your future husband, meaning, fiance mo ako. And tonight, ia-announce ang ating kasal. Kaya maghanda ka nang maging mabait sa akin. Irespeto mo ang ako bilang fiance mo."
Nanlaki ang mga mata ni Gretel. Sumagi kaagad sa isip niya si Bernard.
"Nagsisinungaling ka lang! Hindi totoo 'yang mga sinasabi mo. Dahil wala namang sinasabi sa akin sina Mommy na may fiance ako," hindi siya makapaniwala na ang kaharap niya ngayon ay ang lalaking kanyang pakakasalan. Hindi niya akalain na ipagkakasundo siya sa anak ng kasosyo ng ama sa negosyo.
"Just watch and see. Kung hindi totoo ang mga sinasabi ko," ani Rafael. Napataas ang sulok ng labi niya.
Napatingin sila sa maliit na stage sa unahan. Nang makita ang mga magulang nilang papalapit sa stage. Naunang pumunta doon ang Mommy ni Gretel, na si Grace. Kasunod ang Daddy Orly niya. Sumunod din sa Mommy at Daddy niya, ang mag-asawang Villanueva. Halos lahay ng mga mata ng mga bisita ay nasa magulang nila.
"Good evening, ladies and gentlemen," paunang bati ni Mr. Orly Terante. "This night is my big night. As we are celebrating my 48th birthday," sinigunda namang binati siya ng mga bisita niya. Itinaas ni Orly ang kanyang kamay para patigilin ang mga bisitang bumabati sa kanya. Matamis na ngiti ang nakapaskil sa labi ni Grace.
Mataman na nakikinig si Gretel sa sinasabi ng Daddy niya. Nanginginig na pinagsalikop ang mga kamay. Ito na ba ang kinakatakutan niyang inilahad sa kanya ni Rafael kanina?
"We have a double celebration. My birthday celebration and the announcement of my daughter, Gretchella Tracy Terante enggagement to Rafael Villanueva. He is the son of my friend, Mr. Randy and Mrs. Ziline Villanueva," dagdag na sabi ng Daddy ni Gretel.
Napapikit si Gretel ng kanyang mga mata nang marinig iyon mula sa bibig ng kanyang Ama. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng magulang niya at magulang ni Rafael. Hindi niya maapuhap ang sasabihin. Nilingon niya si Rafa. May nakakainis itong ngiti sa labi.
"Come here, Gretel and Rafael," utos ni Orly sa anak. At sa lalaking kasama ng anak.
Tumayo si Rafael at pumunta sa likuran ni Gretel para maalalayan ang dalaga sa pagtayo. Na-stuck si Gretel sa kanyang inuupuan. Parang ayaw ni Gretel na tumayo at pumunta sa unahan. Humarap sa maraming tao na nakangiti. Hindi niya kayang humarap sa maraming tao na ganito ang kanyang nararamdaman. Galit at sakit. Halo-halo na ang emosyon niya sa dibdib dahil sa nangyayari ngayon.
"Gretel," tawag ni Grace sa anak. Napansin niyang hindi ito gumagalaw sa kanyang upuan. Habang ang binatang si Rafael ay nasa likuran pa din ni Gretel.
Pinigilan ni Gretel ang pagbuhos ng kanyang luha. She feel betrayed. Pero hindi niya ipapahalatang apektado siya. She is a good actress. Magaling siyang magkunwari. At itago ang totoong nararamdaman niya. Kagaya ng mga ipinapakita niya at sinasabi kay Bernard.
Ayaw niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya. Sa huli ay masasaktan lamang siya. Ngunit sa nakikita niya masasaktan niya si Bernard. Hindi man niya sinasadsadya. Hindi deserved ni Bernard ang lahat ng sakit. Napaka-busilak ng kalooban ni Bernard. Maginoo at totoong may malasakit sa kanya.
Wala sa loob na tumayo si Gretel. Inaalalayan pa siya ni Rafael maglakad. Papunta sa kanilang mga magulang. Nang makalapit sila ni Rafael ay agad gumitna si Orly kina Gretel at Rafael.
"Everyone, I would loved to meet you all. My only daughter Gretel and my soon to be son-in-law, Rafael. Let us give them a round of applause. The newly couple and soon to be Mr. Rafael and Mrs. Gretchella Tracy Terante Villanueva," masayang pakilala ni Orly kina Gretel at Rafael. Umugong ang malakas na palakpakan. Ang lahat ay masaya maliban kay Gretel.
Natapos ang gabi na halos hindi makausap ng magulang niya si Gretel. Tahimik lang ito sa tabi ni Rafael. Marami ang bumati sa kanilang dalawa ni Rafael. At hindi magkamayaw ang pakikipagkamay nila sa lahat ng bumabati. Habang si Rafael ay ngiting-ngiting na lalong kinainisan ni Gretel. Plastic na plastic ang ipinapakita niya sa mga tao.
"Puwede na po ba akong magpahinga?" pagpapalaam ni Gretel sa magulang niya at sa mag-anak ng Villanueva. Malagkit ang tingin ni Rafael sa kanya.
"Sige na, Hija. Alam kong napagod ka ngayong gabi. Sa dami ng bisita ng Daddy mo at sa mga hinarap niyong bisita ni Rafael," si Mrs. Ziline ang sumagot. Sumang-ayon ang Mommy niya. Pareho ang mga ito na hindi nawawala ang mga ngiti sa labi. Habang ang Papa niya ay tahimik.
"Puwede ka ng umakyat sa kuwarto mo. May pag-uusapan pa kami. And I want you to be with Rafael tomorrow. Dahil pupuntahan niyo ang boutique na gagawa ng mga damit niyo sa kasal niyo," sabi rin ng Mommy niya. Tumango na lamang si Gretel para makaalis na sa paningin ng mag-anak na Villanueva.
Tumalikod si Gretel sa magulang niya at mga bisita. Nagmamadaling umakyat siya ng hagdan para makarating kaagad sa kuwarto niya. Nang makarating sa loob ng kuwarto niya ay mabilis na isinarado ang pinto at ini-lock.
Binuksan ang zipper ng gown niya at hinubad ang gown ko. Saka dumiretso sa banyo na tanging ang maliit na saplot ang natira.
Nagbabad ngayon sa tubig si Gretel sa jacuzzi. Napagod siya makipagplastikan sa lahat ng bisita ng Ama. Nakakarelax ng kanyang isipan ang maligamgam na tubig. Sinamahan niya ng mga scented candle na amoy niya ang mabangong aroma nito sa buong banyo niya.
Pagkatapos ng halos trenta minutos na pagbabad ay ibinalot niya ang kanyang hubad na katawan ng roba niya. At agad lumabas ng kanyang banyo. Diretso siyang pumunta ng vanity mirror at kinuha ang blower para magpatuyo ng buhok.
Pagkatapos ng kanyang routine tuwing gabi ay humiga na si Gretel sa kama niya. Na-freshen ang utak niya. Sumagi sa isip niya si Bernard. Hindi niya malaman kung anong paliwanag ang sasabihin niya para aminin na malapit na siyang ikasal. Habang iniisip ay hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Gusto na niya si Bernard. Mahal na nga ata niya ang binata na sinusungitan niya araw-araw.