ALEX's POV After ng dinner, nagkaroon kami ng kaunting party, kantahan at inuman. "Simeon, alam mo ba na magaling kumanta itong isa kong binata! Hahaha!" sabi ni Dad, habang nakaakbay sa akin. Ok, anong nakain ni Dad at good mood yata sa akin ito mula pa ng dumating kami dito sa Baguio. Natatawa nalang ako dahil sa tawag sa akin ni Dad, kahit di kami magkasundo nito sa maraming bagay, tanggap na tanggap naman niya ako. "Talaga ba Fred, aba'y pakantahin na yan, haha!" at inabot naman sa akin ni Toni yung mic. "Anong kanta Tito!?" tanong ni Toni. "Gusto ko yung theme song namin ng Tita mo Toni." sabi nito sabay kindat kay Mom. "Hahaha, Dad, para kang nagbibinata!" biro ko dito., kaya nagtawanan naman ang lahat. Napasulyap ako kay Summer na ngayon ay katabi si Migz. Nginitian ako nito

