******** Alex's POV "You didnt tell me na kasama niyo si Aali sa Tagaytay." galit na sabi ni Thea. Nandito kami sa office ko sa bar, ngayon ang anniversary at marami ang banda na maggigig kaya inaayos ko ang mga fees nila. "Hindi ko ba nabanggit?" tanong ko dito habang abala sa ginagawa ko. "Hindi!" tumayo ito at nagcross arm sa harap ko. " Kaya pala the whole time hindi mo manlang ako naisipan itext or tawagan!" "Kung hindi ka umalis ka, eh di sana hindi ako nakasama sa kanila." walang gana kong sagot dito. "So, it's my fault now? Kung ayaw mo talagang sumama, kahit pa pilitin ka hindi ka sasama." sabi nito. Tama naman siya, pero sumama pa rin ako... dahil gusto ko ulit makasama si Summer. Alam kong mali...nakakakunsensya dahil kami na ni Thea, pero ang hirap iwasan. Lumapit ako

