Chapter 19 Helleia Demetria’s POV “Hoy!” Nahulog ang mukha ko mula sa pagkakahalumbaba. Tiningnan ko si Nathalie na syang kumalabit sakin. “Bakit?” “Anong bakit? Tapos na ang klase natin” Gulat na tumingin ako sa harapan, wala na kaming prof at nagliligpit na ng gamit ang mga kaklase ko. Nagkamot ako ng batok saka sinimulang itabi ang notebook at ballpen ko. Tumayo ako at nilapitan si Nathalie na naghihintay sakin sa may pinto, sinulyapan ko ang suot kong relo, 12 pm na pala. Huling klase namin ngayong araw. Nagsimula kaming maglakad palabas ni Nathalie. Tahimik pa rin ako habang iniisip ang mga nalaman ko kagabi. Naawa ako kay Danger, bakit kailangan nyang makaranas ng ganoong klaseng buhay? “Helleia” Sinulyapan ko si Nathalie, “Hmm” Mataas ng konti sakin si Nathalie, sobrang s

