Chapter 13 Helleia Demetria’s POV Lukot ang mukha ni Red habang tinitingnan akong suot ang uniporme. Puti itong blouse na bahagyang nakakurba sa katawan ko, short sleeve ito na may green na logo ng school sa kanang collar. Ang paldang suot ko ay above the knee na fitted at talagang yumayakap sa bewang at hips ko. “Wala bang ibang uniform ang course mo?” Ngumiwi ako at sinulyapan si Moonstone sa gilid na pokerfaced akong pinagmamasdan, sya dapat ang maghahatid sakin ngayong unang araw ng klase ko dahil may meeting si Red sa kompanya pero hindi talaga sya pumapayag na hindi ako ihatid. Kinuha ko ang bag ko saka nameywang sa harap ni Red, “Ganito talaga ang uniform ng medtech, Mr. Falcon” Iritado syang nagkamot saka lumapit sakin at sinuklay ang nakalugay kong buhok gamit ang mga daliri

