NAGTULOY siya sa kanilang condo. Mas mabuti narin tong humiwalay siya sa kanyang mga magulang.
Lumuwag ang kanyang pakiramdam nang nasabi niya sa kanyang ama ang katutuhanan tungkol sa pagkatao niya malaya na siyang ilantad kung sino siya. Pero masakit tanggapin ang mga salitang binitawan nito sa kanya.
" Bakla lang ako pero hindi ako criminal at di rin ako mag nananakaw kaya wala akong dapat na ikahihiya." bulalas niya sa sarili.
Inayos niya ang kanyang sarili para pumunta sa kanyang opisina.
" WHAT are you doing here?" Bungad sa kanya ng ama ng makita siya nito ng pumasok siya sa kanilang office.
" Dad, alam ko pong galit kayo sa akin, pero sana naman wag niyo akong alisin dito sa opisina."
" Hindi ko hahayaan na ilagay mo sa kahihiyan ang kumpanyang ito dahil riyan sa pagiging bakla mo." walang kimi sabi ng kanyang ama
Ayaw niyang maging bastos sa ama. Pero kailangan niyang ipaalam rito na hindi dahil sa ama ito ay ito na ang laging tama kailangan din niya itong kalabitin para alam nito na may mali din ito. Pagkatao niya ang pinag uusapan kailangan nitong malaman ang nararamdaman niya.
" Bakit dad? porke ba bakla ako wala naba akong karapatan na mamuhay ng maayos? Paano ko mailagay sa kahihiyan ang kumpanya ko sa pagiging bakla ko?"
" Nakalimutan mo bang isa tayo sa kinikilalang succesful sa lugar na ito? Kaya wag mo dungisan ang pangalan natin sa pagiging bakla mo." Gigil nito sabi sa kanya.
" Nakalimutan mo dad na anak mo ako, pero kung tratuhin mo ako para akong isang criminal."
" Ilang ulit ko bang sabihin sa iyo ayaw ko ang pagiging bakla mo."
Pinahid niya ang luhang nag babadyang pumatak. " Sige dad, tatanungin kita. Sa dinami rami ng babae sa mundong ito bakit si mommy ang napili mong pakasalan?"
Hindi ito makasagot sa tanong niya.
" Dahil si mommy ang itinuro ng puso mo. Pinakasalan mo siya dahil sinunud mo ang isinigaw ng puso mo. Ganon din ako dad gustuhin ko man sundin ang gusto mo pero hindi ko magawa. Dahil iba ang isinisigaw ng puso ko. Sana naman dad maunawaan mo ako. Nong panahon nalugmok ka papalubog ang kumpanya natin, tayo tayong magka pamilya ang nag tutulongan na maangat ang kumpanya ito. Sana mahanap mo sa puso mo na ang baklang ito ang nanatili sa tabi mo."
Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon sa ama ang gusto ay agad niya itong iniwan hindi na niya hinintay sumagot pa ito. Nag mamadali siyang lumabas ng kanilang opisina.
Nadatnan niya sa labas ang nag kumpulang mga workers.
" Sayang ang gwapo kaya lang bakla." nagtawanan ang mga ito.
Inis siyang nilapitan ang mga ito." Oo bakla ako ano ang problema don? Oh ngayon nalaman niyong bakla ako, nagbago ba ang situation ng buhay niyo? Diba wala?" hindi nakaimik ang mga ito sa pagtataray niya.
" Bumalik kayo sa trabaho niyo. Ang buhay niyo ang atupagin niyo. Atleast kaming mga bakla wala kaming inaapakan." Inis siyang tinalikuran ang mga ito.
Na isipan niyang puntahan si Santi sa opisina nito. Ayaw niya muna umuwi ayaw niyang mag mok-mok sa condo.
Nagulat ito ng makita siya nito sa office.
"Bakla anong ginagawa mo rito?" anitong biniso biso siya.
" Alam na ni dad ang tungkol sa akin." aniya sa malungkot na boses.
" Mabuti kung ganon atleast dai hindi kana mag tatago. Makaladlad kana girl." Anito sa kanya
Pilit siyang ngumiti." Yon nga eh, naitapon ako sa kangkongan." Napahikbi siya
" Ay naku! ngayon lang iyan. Matatanggap karin non. Walang mga magulang makatiis sa kanilang mga anak. Kahit gaano pa ito kasama." Anito sa kanya
" Kilala ko si dad matigas pa iyon sa bato."
Hinawakan siya ni Santi sa balikat." Girl,kilala mo ang ama mo, pero hindi mo alam ang laman ng puso niya. Kahit sino pa ang matigas darating din ang panahon na lalambot din ang mga puso. Kaya wag kana umiiyak papangit ka niyan." alo nito sa kanya.
Napa buntong hininga siya hihintayin niya ang araw na iyon matanggap siya ng ama." Habang may buhay may pagasa." aniya
" Tama!" Pag sangayon ni Santi.
"Tuloy ang laban natin mga bekla ngayon pa, wala nang hadlang diba?" Anito sa kanya.
Nag liwanag ang kanyang mukha sa kanyang nakitang nakasabit na wig sa gilid ng pinto. Inabot niya ito at isinuot. " Kaya a-aura na tayo mga bekla"
Napa duwal siya ng may maamoy na mabaho galing sa wig.
" Bekla ano ang nangyari saiyo?" alalang tanong ni Santi.
"Buntis yata ako bekla." tugon niya rito.
" Sino ang ama?" anito sa kanya
Napa isip siya ng mahalikan siya ni Jolo. " Si Jolo kailangan panagutan niya ako." aniya sa maarte na boses.
" Weeee? Bakit ba bumigay naba?"
Napahaplos siya sa kanyang labi. " Nahalikan niya ako mamang."
" Halik lang buntis agad? Grave illusion na yan girl."
" Ito naman kahit sa pangarap lang, ayaw pa akong damayan." nakaismid niyang angal rito.
" Buti pa gumala nalang tayo ngayong gabi." aya nito sa kanya.
" Mabuti panga." Tinulungan niya si Santi magligpit.
Sabay silang lumabas ng opisina ni Santi ng matapos ito. Nag hiwalay lang sila sumakay ng sasakyan.
Tinahak niya ang daan papunta ng club ng madaanan niya si Aby.
Pinarada niya ang sasakyan saka bumaba at nilapitan niya si Aby naglalako ng balut.
" Sandoval, tignan mo madami akong nakuhang balot. Salamat uli sa tulong mo."
Umupo siya sa tabi nito. Inabutan siya ni Aby ng balot. Masaya silang nagkwentohan ng lapitan siya ni Jolo.
" Sandoval, ano ang ginagawa mo rito?" umupo ito sa tabi niya.
" Papunta kasi ako ng club nakita ko si Aby kaya bumaba na muna ako." sinandal niya ang ulo sa balikat nito.
" Papa Jols, ipagbalat mo naman ako ng balot." Pag lalambing niya rito.
Kumuha ito ng balot saka pinokpok sa noo niya.
" Ano ba!" angil niya sa maarte na boses." Bakit sa noo ko?"
" Noo mo pala ‘yon, kala ko pader malapad eh." natatawa nitong sabi.
" Aby, samahan mo kami ni Sandoval." baling ni Jolo kay Aby tahimik nakamasid sa kanila.
"Saan naman tayo?"
"Mag club."
" Naku, bro kailangan ko itong mabenta tong paninda ko." tanggi ni Aby kay Jolo.
" Tulongan ka namin ma benta to." Alok ni Jolo
Aangal sana si Aby ngunit kinuha ni Jolo ang pinaglagyan ng balot saka isa isa nilapitan ang bawat naka sa lubong. Nahawa na rin siya kay Jolo pinagtulongan nilang beninta ang paninda ni Aby sa tulong nilang dalawa mabilis na ubos ang paninda ni Aby, kaya nakasama ito sa kanila pag gala. Sa isang kilalang club sila pumasok.