Sandoval's lovelife Episode 2

1035 Words
" ANG laki talaga nitong office mo" Ani ni Santi. habang naglalakad sila palabas ng building ng opisina niya. " Kaya nga bakla kumuha kana ng isa sa housing namin" alok niya sa kaibigan. Isa sa negosyo na hinahawakan ni Sandoval ay ang isa sa kanilang landmarker housing. " Bye sir."pagpaalam ng dalawang babaeng tauhan sa opisina kanilang naka salubong. Ngumiti siya sa dalawang babae at ikinumpas ang mga kamay bilang pagtugon sa dalawa. “ Ang guwapo at ang kisig ni sir sa sout niyang formal attire." Narinig niyang puri ng isang babae. “ Kailan kaya ako liligawan ni sir." pabirong sabi ng ng isa pang babae sa kasama nito. Napa-ngiwi siya sa kanyang narinig" Hindi tayo talo ui!"gusto niya isigaw subalit hindi na niya ito nilingon pa. Nagtuloy silang naglakad palabas ng building. " Santi sasakyan mo nalang ako sasakay pinapapalitan ko ng gulong ang kotse ko" sabi niya rito ng tinungo nila ang nakaparada nitong kotse. " Mamang kailangan ko magpa change oil samahan mo ako ha?" sabi nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan sa may driver seat. Kumunot ang kanyang-noo iba ang pumasok sa isipan niya " Ano ako ang escorer?” Natigilan si Santi sa kanyang sinabi." Huh? May pa score na ba ngayon ang mag pa change oil? Kailan pa mamang ? hindi ako na inform." naguguluhan nitong tanong sa kanya. " Huh? Hindi ba iyan ang uso ngayon? Ang change oil?" alanganin siyang ngumiti Napa halakhak si Santi sa sinabi niya." Na gets na kita bakla. Ibang change oil iyon, ka loka ka bakla!" Naiiling ito " Ang sasakyan ko ang nangangailangan ng change oil hindi ako ui!" Napa halakhak ito. " Alam ko iniisip mo. Ang road mo mamang" sinundan nito ng tawa. " Eng-eng karin eh, rude yon. Tigas ng english mo" puna niya rito " Sige na ikaw na winner sa english mamang. Pareho lang naman yon magka tunog lang din naman sila" angal nito pinaandar ang kotse. Hindi na siya umimik. Binaling niyang ang pag-iisip sa sinabi ng kanyang boyfriend si Jason kanina. Halos nalang lagi itong humingi sa kanya. “ hirap magiging bakla kailangan mo pa gumastos para lang mahalin ka” sa kaloob looban niya. " Daan muna tayo sa bahay ko bakling may nakalimutan ako" untag ni Santi sa kanyang katahimikan. “ Ano ba ang iniisip mo?” tanong nito ng mapansin ang pananahimik niya. " Inisip ko kasi si Jason, mamang sa tingin mo ba niloloko niya ako?” seryuso ang kanyang mga mata tumingin kay Santi na noon ay naka fucos ang mga mata sa kalsada. Saglit itong tumingin sa kanya at agad din ibinaling ulit sa kalsada ang mga tingin. " Abay, malay ko. Manghuhula ba ako?” Tinitigan niya ng maigi si Santi habang busy ang mga mata ito sa daan. " Ikaw mamang masaya kaba sa love life mo?" " Mamang masaya na ako. Tanggap ko naman na may asawa si Roger." tukoy nito ay ang nobyo may asawa na at si Santi ang nagbibigay ng supporta dito. " Tanggap mo ang papel mong kabit ka!?” napataas ang boses niya. “ Siya naman, oh kung makapag tanong, ng aano-ano karin eh” “ Hindi, ibig ko sabihin okay lang sayo na kabit ka?” ulit niya sa mahinahong boses. " Mamang, kabit paba ang tawag sa akin, ako na nga ang bumubuhay sa pamilya niya?" Napa buntong hininga siya sa tanong ni Santi sa kanya. " Iba iba lang kasi tayo ng gusto. Ako, hindi ako papayag na dalawa kami sa buhay ng mamahalin ko" seriouso niyang saad rito. " Paano naman mamang ganon ata ang papel natin mga bakla" anito sa mapaklang boses. " Ay, naku! mamang wag mo sa bihin iyan, kahit bakla tayo may puso din tayo at nasasaktan. Hindi dahil sa bakla tayo gawin na tayo second option ng mga lalaki noh? Deserved natin ang mahalin ng tapat dahil kahit bakla tayo tapat tayo kung magmahal" seriouso niyang saad rito. Napangiti si Santi sa kanyang turan.” Umaasa ka talaga na may mag se-seryuso sa atin mga lalaki kapag wala tayong binibigay sa kanilang datong?” ani Santi tinapunan siya ng tingin. “ Hoy, may fucos ka naman sa daan” saway niya ng tumingin ito sa kanya. “ Takot ka mabangga tayo?”natatawa nitong sabi. “ Syempre noh, gusto ko pang mabuhay sa mundong ito at mag enjoy” tugon niya sa maarte na boses. Ilang saglit ang nakalipas na rating nila ang bahay ni Santi. Hininto nito ang sasakyan sa kulay orange na iron gate. “ Saan ka pupunta?” tanong niya ng bumabaw ito sasakyan. “ Paano natin ma buksan ang gate kung hindi ako bababa” “ Bakit, nasaan ba ang katulong mo?” “ Umalis, pero mayroon naman iyon kapalit hindi palang nakarating” sabi nitong sinabayan ng pagtikod. Mataman siyang nakatingin kay Santi habang abala ito sa pagbubukas ng gate. “ Ano kaya magiging kapalaran naming bakla?” hindi mapigil maitanong sa sarili. Sa kanyang tindig at pananalita kapag kaharap niya ang kanyang ama hindi siya mapag kamalan bakla. Dahil sa kanyang tindig na matcho at gumapo hugis na mukha. May dalawa siyang malalim na biloy, na kapag ngumingiti para kang lulunurin sa aking guwapong taglay niya. “ Hoy, ayan kana naman sa malalim mong pagiisip” saway sa kanya ni Santi ng makabalik ito ng upo sa driver seat at ipinasok ang kotse sa loob ng gate. Nakasunod siyang naglakad papasok sa loob ng bahay nito ng makababa sila ng sasakyan. " Santisima, napasok ka ng magnanakaw. Saklolo!" Tili niya ng makita ang mabuksan ni Santi ang pintuan at tumambad sa kanyang harapan ang makalat na sala ni Santi. Nahampas siya nito sa ulo." Lukring ka, oa mo ha. Ganyan talaga ayos ng bahay ko ng umalis ako kanina. Hayaan mo pagdating ng bago kung katulong maliligpit din iyang mga nakakalat na damit." sabi nito nakapamaywang. " Dios ko, tong baklang ito hindi man lang nilagay sa sako ang mga damit niya ng hindi na siya mapagud sa kakatupi." Sabi niyang umupo sa sofa may mga nakatambak na ibat ibang klaseng gown.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD