Sa susunod na linggo pa magta-trabaho si Knight kaya naman ay ang gagawin niya ay ang hanapin si Serafina, ang babaeng laman ng isipan niya at siyang dahilan ng kanyang pagpunta rito sa Yellowstone. Ayon na rin sa napag-tanungan ng binata ay isa ang pamilya nila sa nagmamay-ari ng sakahan dito. Nagtanong ang binata sa mga tao rito at napag-alaman niyang kilala nga ang pamilya nito.
"You're going to be mine." Nasa tinig ng binata ang determinasyon kaya naman ay pinasibad na nito ang kanyang sasakyan patungo sa mansion ng pamilya ng dalaga. Hindi naman kalayuan dito ang kanilang tinitirhan kaya naman ay mabilis itong natagpuan ng binata. Mabilis na lumabas ang binata sa kotse matapos 'yong maiparada sa gilid.
Hindi naman kalakihan ang mansion ng mga Monteverde. Tiningala niya ang gate at pinindot ang doorbell sa labas.
Ilang sandali pa ay may lumabas ng babae na sa tantiya niya ay nasa higit singkwenta na ang edad.
"Magandang umaga po! Nandyan ba si Serafina?" tanong kaagad ng binata pagkalapit ng matanda rito.
"Ay, opo sir! Nasa loob po siya. Sino po kayo?" tanong naman ng ginang. Hindi pa nito binubuksan ang gate.
"I'm her suitor, pwede bang pumasok?" nakangiti nitong tanong. Napangiti naman ang ginang dito.
"Naku! Ang gwapo naman ng manliligaw ni ma'am! Sige pasok ka hijo!" matapos 'yong sabihin ay mabilis na binuksan ng ginang ang gate at pinapasok ang binata. Matapos maisara ng maayos ang gate at iginiya niya ito papasok ng bahay. Maganda at malawak ang hardin nila. Halatang isang magaling na-hardernero ang nagme-maintain niyon.
"Naku! Hindi naman sinabi ng batang 'yon na may bisita pala siyang darating. Nakapaghanda man lang ako nang makakain niyo," sabi pa ng ginang.
"Actually, I didn't tell her that I'm coming over here. It's a surprise!" alanganing saad ng binata sabay kamot sa kanyang batok. Napangiti naman ang ginang.
"Iba na nga pala ang mga kabataan ngayon," na-iiling nitong saad. Nakarating na sila sa may living room at pina-upo muna siya ng ginang.
"Sandali lang po at tatawagin ko muna si ma'am," paalam nito at mabilis na itong tumalikod. Nagpalinga-linga ang binata sa buong bahay at minimal lang ang desinyo ng kanilang bahay. Ancient style ang bahay nila at hindi man lang nabahiran ng modernong disenyo, pwera na lang sa mga kagamitan ng bahay.
Napalingon ang binata ng marinig ang mga yabag na papalapit sa kanyang gawi. Napangiti siya ng muling masilayan ang alindog ng dalaga. Napatayo kaagad ito at matamis na nginitian si Serafina. Kunot-noo naman siya nitong tinitigan. 'Hindi ata makapaniwalang masusundan ko siya rito' anang isip ng binata. Nakasunod ang ginang dito.
"Ma'am, ikukuha ko po kayo ng meryenda." Mabilis na kaagad na tumalikod ang ginang matapos na tumango ni Serafina.
"Hi! How are you?" nakangiti nitong bati sa dalaga. Tinaasan lang ito ng kilay ni Serafina. 'How did he find me?' sa isipan ng dalaga. Dahil ayaw naman niyang maging bastos dito ay pinakitunguhan niya ito ng maayos.
"Sit down," utos ng dalaga na mabilis naman kaagad nitong sinunod. Umupo na rin ang dalaga sa katapat ng upuan ni Knight.
"Thank you, so how are you?" muli na namang tanong ng binata rito.
"I'm fine. What brought you here?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Serafina rito. Sa totoo lang ay gwapo naman talaga ang binata at hindi maitanggi 'yon ng dalaga. Pero wala talaga itong maramdaman katulad ng nararamdaman niya kay Wolfy. Magsasalita na sana ang binata ng dumating ang katulong nila at i-serve sa amin ang meryendang inihanda nito. Tipid na nginitian ng binata ang ginang. Matapos na umalis ng katulong ay siya namang sagot ni Knight sa tanong ng dalaga.
"So as you can see, I'm chasing you." Deretso nitong saad sabay tingin derekta sa mga mata ng dalaga. Kitang-kita ng binata ang pag-buga nito ng hangin.
'Ano bang mali sa akin at bakit ayaw niya?' na-itanong ng binata sa kanyang sarili.
"I already told you that I like somebody else!" naiirtang saad ng binata. Umarko ang kilay ng binata at umigting ang panga nito.
"Hindi pa naman kayo kasal. So, may chance pa akong maagaw ka," nakangiti nang sabi ni Knight.
"There's a lot of girls out there! You can choose and date them! Don't bother me anymore because I'm not interested!" mariing saad ng dalaga. Kitang-kita naman nito ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng binata. Pero binalewala niya 'yon. Kinuha ng binata ang baso at inisang lagok nito ang juice sabay malakas na bagsak nito sa mesa. Nagulat naman ang dalaga at naiinis na tumingin sa binata.
"Are you threatening me?" bulalas nito sabay tiningin ng matatalim sa kaharap.
Ngumisi naman si Knight.
"I'm not! It just slides on my hand," balewala nitong saad sa dalaga.
"Just give up okay? Nanahimik na ako rito eh! I want a peaceful life!" mariin nitong sabi. Tumayo naman kaagad ang binata at namulsa.
"I will chase you and I will never give up. Better be ready, I already warned you." Sabay talikod nito at mabilis na lumabas sa mansion ng Monteverde. Napa-iling na lang ang dalaga dahil sa sobrang ka-preskuhan nito. Mabilis na umakyat ang dalaga sa kwarto niya at nag-isip ng paraan kung paano maiiwasan si Knight. Ayaw nitong magkaroon ng komplikadong relasyon sa pagitan nila ng nobyong si Wolfy. Kakaumpisa pa lang ng relasyon nila. 'No one can ruin us!" sa isipan ng dalaga.
Mabilis namang pinaharurot ni Knight ang kanyang sasakyan at kahit maaga pa lang ay bumili na siya ng beer at dinala niya 'yon sa condo ni Speed na pansamantala niyang inu-ukopa. Hindi pa rin ito makapaniwala na pinagtabuyan siya ni Serafina. He can't lose her. Mabilis niyang tinungo ang condo at binuksan 'yon. Sunod-sunod na lagok ng beer ang ginawa niya. Mataman siyang nag-iisip kung paano niya mapapaamo ang dalaga. 'I will chase you, even you go to hell!' pangako ng binata sa kanyang sarili. Nakatingala ito sa kanyang kisame habang patuloy sa pag-tungga ng beer niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit imbes na mukha ni Serafina ang makita niya ay ang mukha ng receptionist sa kompanya ni Speed ang nakita nito sa kanyang balintanaw. Ipiniling na lang nito ang kanyang ulo. 'I think I'm already drunk' sa isipan ng binata at humiga na sa kanyang kama.