Bumangon ako sa hinihigaan ko at pupungay-pungay ang mga mata na inilibot sa paligid ang paningin.
'Oo nga pala, wala ako sa mansion.'
Nag-inat ako bago idilat ng tuluyan ang mata.
"Ah, napahaba ata ang tulog ko," bulong ko bago abutin ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa.
Tiningnan ko ang oras at nakita ko na alas-nuebe na ng umaga kaya naman bumangon na ako at inayos ang hinigaan bago lumabas upang pumunta sa banyo sa baba.
Habang naglalakad sa hagdan ay napahinto ako dahil sa makakasalubong ko.
Gulo ang buhok niya at naka-sando lang siya.
Naalala ko na naman ang ginawa niya kagabi pero dapat hindi ko ipahalata na apektado ako ro'n.
Tiningnan ko lang siya bago magpatuloy sa paglalalakad, buti na lang at medyo may kalawakan ang hagdanan nila Ate Cony at nagkasya kaming dalawa rito.
Bumaba ako at siya naman ay umakyat.
Dumiretso ako sa kusina kung saan ko makikita ang banyo.
"Gising ka na pala, gusto mo bang kumain?" bungad ni Ate Cony nang makita niya akong pumasok sa kusina.
"Good morning, Ate Cony. Mamaya na po siguro," sagot ko rito.
"Mamaya? Kung gano'n ay magsabay na kayo ni Architect, kakaakyat niya lang dahil matutulog na siya," sabi ni Ate Cony na nakapagpataas ng kilay ko bago tanawin ang hagdanan.
"Matutulog pa lang po?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya sa akin bilang sagot.
"May ginuguhit siya at mukhang ngayon lang natapos," tugon niya kaya naman napatango ako bago magkibit-balikat.
"Sige po, banyo muna po ako,” sabi ko kay Ate Cony bago pumunta sa banyo upang gawin ang dapat gawin.
Nang matapos ako ay lumabas ako at umakyat muli sa k'warto kung saan ako natulog kagabi pero pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako sa nakita ko.
Kusang tumaas ang mga kilay ko bago ilang ulit na napapikit.
"Anong ginagawa niya rito?" bulong ko bago lumapit at balak na gisingin siya pero napahinto ako nang marinig ko ang mahina niyang hilik.
Nakadapa siya at wala ng damit.
Hindi ba siya na-inform na sa kabilang k'warto ang k'warto niya?
Napabuntong hininga na lang ako at napailing.
Napakagat ako sa aking labi bago tumalikod at lumabas upang bumaba na lang kay Ate Cony sa kusina.
"Oh, nandito ka ulit," wika ni Ate Cony nangmakita niya ako.
"May abno po sa k'warto ko," sagot ko rito at agad na nangunot ang kaniyang noo.
"May ano?" tanong ni Ate Cony kaya na.an ngumiti ako bago umiling.
Umupo na lang ako sa upuan sa harap ng lamesa kung saan may nakahain ng pagkain.
Hindi ko muna ginalaw ang mga pagkain at tumingin muna kay Ate Cony na nagpupunas ng mga plato.
"Ate Cony," tawag ko rito.
May isang bagay lang sana akong gustong itanong.
"Bakit?" tanong niya sa akin kaya naman tumingin ako sa kaniya.
"Malayo po ba rito ang lupang pagtatayuan ng bahay nila Architect?" tanong ko sa kaniya.
Balak ko sanang silipin ulit ito para masimulan ko nang iguhit ang plano.
"'Yon ba? Para sa akin ay hindi naman pero ewan ko na lang sa'yo," sagot niya sa akin. "Dalawang kanto pa kasi ang dadaanan mo bago ka makarating do'n."
Napalunok ako.
'Ang layo.'
May kotse naman ako pero gusto kong maglakad.
"Pero kung gusto mo ay mag-short cut ka na lang, dito sa likod bahay namin ay may daan." Bigla akong napatingin kay Ate Cony dahil sa sinabi niya.
Naglakad siya palapit sa pinto nila rito sa kusina kaya naman sinundan ko siya.
"Nakikita mo ba ang daanan na 'yan?" tanong niya sa akin kaya naman tumango ako. "Deretsohin mo lang 'yan at dadalhin ka niyan sa lupa nila Archetect," sabi niya kaya naman sinubukan kong tanawin amg madadaanan ko.
Lupa lang ito pero halata ko na may daanan nga.
'Ang galing.'
"Ginawa 'yan ni Robert dahil siya ang naglinis ng lupa nila Architect at kadalasang sumisilip do'n kaya naman nakabuo siya ng daanan," k'wento sa akin ni Ate Cony.
"Kung gano'n po ay p'wede kong daanan ang daan na 'to para makarating do'n?" tanong ko rito.
"Oo naman, may balak ka bang pumunta ro'n? Baka gusto mong samahan kita?" tanong sa akin ni Ate Cony kaya naman umiling ako.
"'Wag na po, baka po may gagawin pa kayo, mamaya ay makaistorbo pa po ako at saka kaya ko naman po," sabi ko rito at tiningnan naman niya ako.
"Sigurado ka ba?" paninigurado niya kaya naman tumango ako. "Kung gano'n ay sige, wala kasi si Kuya Robert niyo dahil sinundo siya ng kumpare niya at may ipapakumpuni raw ito sa bahay nila."
Napatango ako sa sinabi ni Ate Cony.
Kaya pala hindi ko pa nakikita si Kuya Robert dahil wala pala talaga siya rito.
"Kumain ka muna," sabi niya kaya naman bumalik ako sa kaninang inuupuan ko at muling naupo rito.
Kumuha ako ng pagkain at sinimulang kumain.
"Ano pala ang gagawin mo ro'n?" tanong sa akin ni Ate Cony habang kumakain ako.
"Ah, balak ko na po sanang iguhit 'yong plano, para naman po sa isang buwan ay makapagsimula na tulad ng gustong mangyari nila Rein," sagot ko rito.
"Gano'n ba? Mabuti naman, ipakita mo sa akin ang kalalabasan ng drawing mo, ha?" nakangiting wika ni Ate Cony kaya naman nakangiti akong tumango rito.
"Sige po."
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa k'warto na tinulugan ko kagabi para sana kumuha ng damit na pamalit dahil maliligo ako.
Binuksan ko ang pinto nito at muli akong nagulat.
Alam ko naman na nandito si Dylan pero ang ikinagulat ko kung bakit niya hawak ang cellphone ko at para bang may kinakausap.
"The fvck?" ani Dylan at napanganga naman ako.
Napatingin siya sa akin.
"This is your brother?" tanong niya sa akin kaya naman nagmadali akong lumapit sa kaniya pero ang kat*ngahan nga naman hindi mo masasabi kung kailan dadapo sa'yo.
Bago pa kasi ako makalapit sa kaniya ay napatid ako kaya naman bumagsak ako sa kaniya at nauntog ang ulo ko sa ulo niya kaya sabay kaming napasigaw.
"Fvck!" sabay na sigaw namin at hinawakan ang parte ng noo ko na nauntog sa ulo niya.
"Ahh," inda ko bago idilat ang aking mga mata at nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Dylan.
"Cl*msy," sabi nito bago ako itulak papunta sa gilid ng kama. "St*pid," ani pa nito bago ko siya maramdaman na tumayo at marinig na lumabas sa k'warto.
Ang sakit ng noo ko!
Feeling ko may bukol na.
"Aray," wika ko bago mapailing.
"Callista!" Napatingin ako sa cellphone ko nang marinig ko ang isang boses dito na tinawag ang buong pangalan ko. "Where the h*ll are you!?" galit na tanong nito kaya naman napapikit ako bago kunin ang cellphone ko at itapat ito sa tainga ko.
"H-hell—"
"Sinong kasama mo, ha!? 'Di ba ang sabi mo ay kila Rein ka pupunta!? Sino ang lalaking 'yon!?" sunod-sunod na tanong ni Kuya Ezekiel.
"S-sandali nga," sabi ko rito.
"Who the fvck is he!?" tanong na naman niya kaya namam sumagot na ako.
"S-si—"
"Who!?" Kumibot ang labi ko bago sumagot.
"Si Dylan! P*tcha!" sagot ko rito. "Hindi makapaghintay."
"What!?" tanong na naman niya kaya naman nagsalubong na ang nga kilay ko.
"Alam mo, hintayin mo na lang akong umuwi, nakapamatanong mo, nakakaasar," sabi ko sa kaniya.
"Calli—"
"'Wag kang mag-alala, wala kaming ginagawang masama rito tulad ng naiisip mo ngayon. Hayaan mo kapag nakauwi ako siguradong maiintindihan mo lahat, bye!" Pinatay ko na ang tawag at muling napahawak sa noo dahil pakiramdam ko ay mas lalo pa itong sumakit.
"Ahh!" sigaw kong muli bago magsalubong ang aking mga kilay at tumingin sa sahig kung ano ang bagay na nando'n at nagong dahilan ng pagkapatid ko.
May nakita akong sando na puti rito kaya naman mas nagsalubong pa ang kilay ko.
'Yong lalaki talaga na 'yon!
Ang kalat!
Dinampot ko ang sando niya at lalabas na sana upang isaoli sa kaniya 'to pero nagbago na ang isip ko, hinagis ko na lang kung saan 'yon at inis na lumapit sa bag ko upang kumuha ng damit bihisan.
Bumaba ako at dumiretso sa banyo upang maligo.
Kapag talaga siya ang kasama ko walang araw na hindi ako masasaktan.
Nang matapos kong maligo ay lumabas na ako.
Nakasuot lang ako ng isang white na long sleeve at isang fitted na jeans.
Paglabas ko ay wala si Ate Cony kaya naman dumiretso na lang ako sa taas upang ilagay sa bag ang hinubad kong mga damit at para na rin kunin ang sheet container ko.
Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.
Sinuot ko na rin ang helmet ko bago lumabas muli sa k'warto ko at bumaba na.
"Aalis ka na?" tanong ni Ate Cony kaya naman tumingin ako sa kaniya. "Ang ganda naman ng suot mo, bagay na bagay sa'yo."
"Opo, una na po ako."
"Sige, mag-iingat ka," bilin niya kaya naman nagsimula na akong maglakad sa daan na itinuro sa akin ni Ate Cony.
Nang oras na nakalabas na ako sa bahay nila Ate Cony ay nagsalubong na ang kilay ko dahil naalala ko na naman ang nangyari sa akin.
Uuwi ako na may bukol.
Gandang pasalubong.
"B'wis*t," bulong ko habang naglalakad.
Dapat pala ay niyelo ko muna 'to para naman kahit na papaano ay lumiit ito.
May sarili namang k'warto tapos sa k'warto ko pa naisipang matulog.
Abno talaga.
Peste.
Nakakaasar!
Habang naglalakad ay may dadaanan akong iilang bahay at may mga taong nakatingin sa akin pero hindi ko na lang sila pinapansin dahil baka naninibago lang sila sa akin na dayuhan sa lugar nila.
Uuwi na ako mamaya.
Bahala si Dylan sa buhay niya, sumabay siya sa akin kung gusto niya pero hindi ko soya ihahatid sa mismong tinutuluyan niya.
Ano siya? Gold?
Napapasipa ako sa lupa dahil sa asar.
Naaasar ako sa hindi malamang dahilan.
Tulad nga nang sinabi niAte Cony na deretsuhin ko lang ang daan na 'to ay makakarating na ako sa lupa nila Dylan at tama nga, nandito na ako. Nakarating ako rito kahit na bad trip ako.
Hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw kaya naman pumunta ako sa gitnang bahagi ng lupain nila Dylan at umikot.
"Napakalaki talaga," bulong ko sa sarili ko.
Nakuha ko na ang sukat ng lupa nila kaya naman madali na lang sa akin kung paano kong sisimulan ang plano.
Mula sa kinatatayuan ko ay umatras ako hanggang sa makarating ako sa dulong bahagi nito.
Tumingala ako at inabot ang sheet container ko.
Kinuha ko ang drafting paper ko at tinaas 'yon upang itapat sa lupang pagtatayuan ng bahay nila Rein.
P'wede na.
Humanap ako ng isang kompotableng lugar at naupo ro'n bago simulan ang pagguhit.
Guguhit muna ako, saka ko na aayusin 'to kapag nakauwi na ako.
Nakuha ko na rin ang gustong maging porma nila Rein sa bahay nila kaya naman madali na lang sa akin ang lahat.
Kailangan ko lang ng sample sketch para may maipakita ako sa kanila at kung okay na sila sa maiguguhit ko ay saka ko pa lang lalagyan ng label ang mga ito upang ito na ang maging main plan namin.
"Hay."
Napabuntong hininga na lang ako habang gumuguhit.
Kung ganitong bahay ang gusto nila at gusto nilang matapos agad 'to, kailangan nila ng maraming tao.
Kung labing lima o higit pang tao ay kakailanganin namin.
Hindi madali ang bumuo ng bahay dahil, maghuhukay pa kami para sa magiging pundasyon ng bahay.
Kung sa paghuhukay ay baka abutin kami ng isa o dalawang linggo bago namin makuha ang tamang lalim, laki at haba nito saka pa lang kami gagamit ng materiyales.
Napahawak ako sa aking baba at muling tiningnan ang lupa nila Rein.
Kailangan muna pala namin kumuha ng permit.
Madali na lang 'yon.
Nagpatuloy ako sa pagguhit.
Gusto ko ay sa isang buwan makapagsimula na kami dahil plano ko pagkatapos ko rito ay bahay ko naman ang bubuuin ko.
Napangiti ako sa naisip ko.
Gagawin ko ang bahay na matagal ko ng gusto.
Kukuha rin ako ng lupa tulad ng kila Rein.
Malayo sa magulong lungsod.
Tumayo ako at muling itinaas ang drafting paper ko upang tingnan.
"Ayos na," bulong ko sa sarili ko. "Kailangan ko na lang makausap sila Rein para rito."
Kinuha ko ang sheet container ko at ibinalik dito ang drafting paper ko bago mapagpasyahan na bumalik sa bahay nila Ate Cony.