Napatingin ako kay Atreus at napailing nang marinig ko ang malakas na tawa niya habang nakikipagk'wentuhan siya kina Ate Cony. "Opo, gano'n nga po, ikakasal na po sana kami ni Cally pero dahil namatay si Tito— ang Papa ni Cally ay hindi na natuloy pero 'wag po kayong mag-alala, natutuloy po ang kasal namin. Hindi ko lang po alam kung kailan, kung pagkatapos po ba ng bahay nina Architect o baka magpapalipas muna kami ng ilan pang mga taon," paliwanag niya sa mga tao na nasa harap namin. Napairap naman ako dahil wala naman akong matandaan na may sinabi akong magpapakasal ako sa kaniya— unless, kung pumayag ako sa sinasabi niya. “Nako! Totoo ba ‘yon, Engineer? Ikakasal ka na talaga?” tanong sa akin ni Yachi. Tumingin ako sa kaniya at pagkatapos ay tumingin naman ako sa lalaking katabi ko na

