Ang bilis ng araw parang kailan lang baguhan pa siya sa lahat ng bagay sa paaralan pero ngayon mas marami na siyang nagiging kaibigan isa na duon ang limang lalaki na dumagdag sa pagkakaibigan nila ni nikka na sina jayson, randolf, frank, renato, marlo at apat na mga babae na sina fe, mecy, marissa, rhea.
Hindi maiwasang hindi mag'ingay ng grupo sa kanilang magbabarkada pag magkakasama lalo pa at magkakaklase silang lahat sa buong semester.
Laging tampulan ng purihan sa ganda at personality si cindy lalo na at may palakaibigan na ugali at palangiti kahit mas laging napapansin ang mukha ng pagiging suplada at mataray kabaliktaran naman sa ugali.
tulad nalang ngayon sa harap ng mesa sa canteen kung saan sama sama silang nagmemeryenda pagkatapos ng naunang dalawang subject nila.
"oyy cindy! anong skin care mo?." mahadirang tanong ni mecy na sinigundahan ng lahat.
"bakit? bibili ka?. " pabiro at nakataas kilay niyang sambit.
"nagtataka lang kasi kami diba?. " ani nito na tinanguhan ng iba.
"Wala naman. alagang safeguard lang yan hindi naman ako mahilig sa mga kaechusan nayan sa mukha ni pag'ahit nga ng kilay at pagmake up hindi ako marunong eh. " natatawa kung sagot sa kanila pero seryoso lang silang nakatingin sa akin.
"wala akung ginagamit na mga pang apply sa mukha yan ang legit." nakatungong ani ko sabay kibit balikat.
"nagtataka lang kasi kami ang kinis ng mukha at kutis mo flawless kumbaga mamula mula at yang buhok mo ang ganda sa natural na kulay na bulaw hindi na kailangan magpakulay ng buhok kasi natural ng may kulay buhok mo. " mahabang litanya nito.
"oo nga eh. gusto mo palit tayo?. " pabirong saad ko nang nakangisi.
"sana all. " sabay sabay na sambit ng lahat na mas ikinangisi ko.
"sabi ni tatay natural na daw yan na kulay mais ang kulay ng buhok ko pero pag umaabot ng bewang yan nagiging dilaw na ang kulay at pag itinapat mo sa araw nagiging ash blond siya. " balewalang saad ko.
"Sana all binibiyayaan ng ganyang looks. " naiinggit na saad ni Fe ang pinakamatanda sa babaeng barkada ni cindy.
"May boyfriend kana ba Cindy?. " biglang tanong ni frank na ikinantiyaw ng barkada.
"Oyy ! may lumalovelife ah? binata na talaga si frank!. " sabay sabay na sambit ng barkada at sabay ding nagtawanan.
"Bakit? mag aapply ka kay cindy frank?." prangkang tanong ni marissa na ikinapula ng mukha naman ni frank na mas lalong nagpalakas ng kantiyawan at tuksuhan.
"Ayon nagbablush! confirm may crush siya kay cindy!!. " pabirong saad ni fe na dahilan kung bakit mas lalong namula ang mukha at leeg ni frank.
" kung pwede. " kakamot kamot sa ulong sambit nito.
"pansin niyo ba na halos lahat ng mga lalaki sa buong department dito sa kanya halos nakatingin? take note ang mga tingin nila na may paghanga kaso hindi makalapit kasi tingin pa lang nitong si cindy makabahag buntot na ang taray eh. " tumatawang komento ni frank.
Nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Really? how come? Hindi ko naman yun napapansin? Nako guni guni mo lang yun frank tantanan moko!. " balik saad ko habang tumatawa.
"Seryoso Cindy yung isa pa nga diyan ay classmate natin sa ansci at english 121 yung graduating next year na AgEd (agricultural and education) yung course niya. malakas tama nun sayo kaso nababahag ang buntot nun hindi makalapit sayo." seryoso ko siyang tiningnan kung nagbibiro siya sa kanyang sinasabi pero ng makita kong seryoso ang kanyang mukha na walang bahid ng biro doon ko napansin na seryoso nga siya sa sinasabi niya.
"Sino doon? Yung matangkad na lalaki na medyo maputi at may itsura?." napapaisip kong tanong.
"exactly. and speaking of ayun siya oh at nakatingin dito particularly nakatingin sayo cindy." may panunudyo niyang sabi sabay turo sa lalaking pinaguusapan namin na nakaupo sa bench malapit sa pwesto namin kung saan kami kumakain.
Napaiwas ako ng tingin ng mapansin kung mas tinititigan pa niya ako.
"Tara na akyat na tayo tapos na 20 minutes break natin." nagpapatiunang paanyaya ko sa kanila habang nagmamadali naman silang sumunod habang may hawak hawak pang buko juice sa kamay.
Napapailing nalang ako na naglalakad pabalik sa room kung saan ang susunod na klase nang makapaghanda at makapagreview para sa quiz na ibibigay ng professor mamaya.
Lumipas ang ilang buwan at sa wakas nakatapos kami ng first semester na lahat ay pasado.
Naghahanda nalang kami ngayon para sa pagkuha ng grades namin sa final para makapag enroll na para sa second semester.
Kasalukuyan akung nasa bahay ngayon dahil weekend at walang pasok.
Nakahiga ako habang hawak ang cellphone at nagbrowse sa social media account ng may mag pop up sa messenger ko indikasyon na may nagpadala ng mensahe. agad ko itong tiningnan at binasa.
From Henry
-Hi, Pwede ba tayo mag meet? nandito ako ngayon sa samar sa bahay ng kapatid ko na si lea diba kaibigan mo siya?..
when i read the message he sent agad na kumalabog ang dibdib ko at pinagpapawisan ang mga nanlalamig kung mga kamay.
Mygod!! nandito siya?! seryoso?!!
nagtitili kung saad habang paulit ulit na binabasa ang chat niya sa akin. ilang ulit kung binasa at tinignan sa pagaakalang namamalikmata lang ako pero hindi. ayun nga ang nilalaman ng mensahe niya sa akin.
Henry is my so called best friend brother. kay lea ko lang nalaman at siya rin mismo ang naging daan kung bakit ko siya nakilala sa pagiging misteryoso niya ako nahulog dahil kahit anong picture ay wala siyang naipopost sa social media niya never ko pang nakita ang mukha niya sa social media masyado siyang misteryoso na kahit litrato niya ay wala kaya mas lalo akong na curious alamin kung sino siya.
Hindi rin ako mahilig sa gala at social gatherings lumaki akung taong bahay Lang na pag inaaya ako ay nakaauto tanggi na katawan ko na pag may nagyaya lumabas ay tinatamad na ang katawan ko. isang beses ko pang tiningnan ang mensahe ni henry bago napagpasyahang magreply.
To Henry
sure basta yung free ako at walang ginagawa sa school.
message sent ✔
Mabilis naman siyang nagreply.
from Henry
Pwede kaba bukas ng hapon? Anong oras vacant mo sa school?
To Henry
hmm, mga 2pm po kita nalang tayo sa bleacher sa CIS paturo ka nalang kay lea kung saan yun doon nalang para madali ako makapunta pag vacant ko bukas..
from henry
Okay sige hihintayin kita bukas.
to henry
Okay
pagkatapos kung magreply ay bumangon na ako at pumasok sa banyo para maligo. kakain pa pala ako hindi pa ako kumakain.
Hapon na nang maisipan kung dalawin sa bahay nila si lea. kahit kinakabahan ay pumunta parin ako para lang masulyapan si henry ngunit ng pumunta ako ay hindi niya ako hinarap dahil nahihiya daw magpakita sabi ni lea bukas nalang daw kami magkita at magpapakita naman daw siya sa akin.
Nakipagkwentuhan lang ako saglit kay lea hindi rin nagtagal ay umuwe na ako dahil may nakaligtaan pa pala akung gagawin sa bahay.
Naabutan ko si Kuya ebong na lasing at agad akung pinagalitan.
"oh saan ka galing cindy?." bungad niyang saad ng makita akung kapapasok lang ng bahay.
"Diyan lang kala lea kuya may kinuha lang ako sa kanya."
"Balita ko boyfriend mo daw yung kapatid ni lea na bagong salta?."
Nagulat man sa diretsahang tanong hindi ko ipinahalata ang aking pagkagulat.
"Saan mona man nahagilap yan?. "
"Sa mga Chismosa boyfriend mo daw yun totoo ba?. " mariin niyang tanong.
Ang bilis talaga ng balita pag chismiss.
napapailing kung bulong.
unang beses kong magka nobyo kaya natatakot pa ako at wala pa akung lakas ng loob na umamin kaya hindi ko siya sinagot.
sa tono ng boses ni kuya kinakabahan ako sa posible niyang gawin.
dahiL gusto niya kung ano ang sinasabi niya ay siya ang susundin mo mas siya pa nga ang nasusunod sa lahat pagdating dito sa bahay kesa sa aming ama pag hindi mo siya sinunod siguradong mag aaway kayo.
Napailing nalang ako na nilampasan siya. mga chismosa talaga dina nagbago. pabulong kong saad.
kinabukasan ay maganda ang gising ko hindi ko malaman kung dahil ba ito sa magkikita kami mamaya ni henry o sadyang napasarap lang ang tulog ko.
Pagdating ko sa CAFNR DEPARTMENT wala pa doon ang barkada at dahil hindi pa time nagtiyaga mona akung tumambay sa may bench sa loob lang ng campus habang naghihintay magsidatingan sila.
halos kakaupo ko lang ng makita ko si nikka at ate fe na papalapit sa akin.
"oyy cindy! aga natin ah?." nakangiti agad na bungad ni nikka sa akin.
sa lahat ng barkada ito lang talaga ang close ko pagdating sa ngisihan laging nakangiti.
"oo nga eh! pero alam niyo bakit ako maaga?. " nakangisi kung sambit.
"bakit nga ba?." balik tanong ni fe.
"may chismiss ako sa inyo it means may ikukwento ako sa inyo." nakangiti kung sambit.
"naku aga aga chismiss agad duty natin ah!" natatawang bulalas ng dalawa.
"oo nga wag kana mambitin share mona yan!." ani ni fe.
"ohh aga aga chismissan agad kayo ano latest? share mona yan cindy. " saad ng kararating lang na si mecy.
"okay. ganito kasi yun diba nung nakaraan nakwento ko sa gc natin nung tinanong niyo ako kung may boyfriend na ako diba ang sabi ko na may jowa ako kaso sa cellphone lang yung boyfriend ko through text and call ganon." kwento ko na ikina seryoso nila sa pakikinig.
"oo nasabi mo yun so ano ngayon? diretsahin mona kami wag kana magpaligoy ligoy diyan masasabunutan kitang babae ka binibitin mo kami." nakairap na saad ni nikka.
"Okay ganito yun magkatext kami kahapon at kagabi gusto niya na magkita kami kaso nahihiya ako syempre unang beses ko magka nobyo sa personal eh kinakabahan na naeexcite ako. may favor sana ako na hihingin sa inyo. " ani ko na ikinataas ng kilay ng lahat.
"favor? ano ba yon? basta kaya namin ibigay bakit hindi." ani ni marissa
"May isa ba sa inyo na pwede ako samahan mamayang alasdos? vacant naman natin yun eh." baling ko sa kanila na nakatingin sakin ng nakakunot ang noo.
"ano yun gagawin mo kaming chaperone?." saad ni rhea ang pangatlong ate ng barkada na halos kararating lang.
"si marissa yayain mo papayag yan. " segundang saad ni nikka.
Binalingan ko si marissa at saka tinanong.
"okay lang ba marissa na ikaw isama ko?."
"may choice paba ako?sige ako na sasama sayo wala naman akong gagawin mamaya eh. " nakangiti niyang sambit.
dahil sa sinabi niya nabawasan kahit papaano ang kaba na namamahay sa dibdib ko.
"sige salamat ha?. " nakangiti kung sambit.
"naku, wala yun maliit na bagay lang
yun. "
Saktong alauna emedya ng magyaya ako kay marissa para pumunta sa tagpuan namin ni henry.
"marisa halika na. para madali agad tayong makauwe makikipagkita lang naman ako tapos alis tayo agad bago magsimula ang susunod nating subject para hindi tayo malate sa klase. "
"sige tara maglalakad lang ba tayo?. "
"okay lang ba?. "
"oo naman mas maganda ngayon para tipid sa pamasahe" malawak ang ngiting saad nito.
Madali lang kami nakarating sa tagpuan namin ni henry hindi naman gaanong kalayuan ang paaralan namin sa paaralan ng highschool dito sa lugar namin.
May napansin agad akung lalaki na nakaupo sa may panggitnang bleacher.
"Siya na yata yun marissa yung lalaking kikitain ko halika lapitan na natin." aya ko na ikinailing naman ni marissa.
" ikaw nalang cindy total ikaw lang naman ang gusto niyang makita dito nalang ako hihintayin kita." ani nitong tipid na ngumiti.
"sigurado kaba?na ayos ka lang dito?." naninigurado kung tanong.
"oo kaya sige na lapitan mona may 45 minutes nalang tayong natitira sa vacant time natin wag monang sayangin ang oras lapitan mona hindi ako aalis dito wag kang magalala." pabirong saad nito.
"sige hindi ako magtatagal saglit lang ako. "aniya
Nagmamadali akung naglakad papuntang bleacher kahit na kinakabahan pinanatili kung walang emosyon ang aking mukha para hindi mahalatang kinakabahan ako. nang makalapit na ako nakita kung tumayo si henry mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa akin.
"Hi, ikaw si cindy?. " nakangiti niyang bungad sabay lahad ng kamay.
"ah.. ahm-a-ko nga cindy nga pala. " nauutal kong bigkas sabay lahad din ng kamay na sa sobrang kaba ay namamawis ito agad naman niyang sinakop ang aking mga kamay sa palad niya at nakipagkamay.
"kanina ka paba dito?." tanong ko habang naglalakad paakyat sa ikatlong baitang ng bleacher at saka umupo.
"Hindi masyado." pareho kaming hindi makaimik habang magkatabing nakaupo. tanging haplos ng hangin ang aming naririnig dahil sa walang nais magsalita ng isa sa amin at parehong nagkakahiyaan.
ako na ang unang bumasag sa katahimikan ng mapansin kung tinititigan niya ako ng mariin na waring nais niyang basahin ang sinasabi ng aking mga mata habang taimtim niya akung tinititigan.
"ahm.. henry hindi na ako pwede magtagal ha may klase pa kasi ako eh sumaglit lang talaga ako dito dahil gusto na kitang makita sa personal." nakayuko kung sambit.
"ayos lang naiintindihan ko kasi nag'aaral ka." tipid niyang saad.
"ah magtatagal kaba sa bakasyon mo dito sa samar?." nakayuko kong tanong.
"depende pag hindi ako agad pinalayas ni lea." nakangisi niyang turan.
"Bakit ka naman niya palalayasin." taka kong tanong.
"basta."tipid niyang sagot na ikinibit balikat niya lang.
"okay ikaw bahala. so pano? alis na kami ha malapit na susunod naming subject at konting oras lang talaga bakante namin kaya ayun ang ginamit ko para makipagkita sayo. " aniya
"sige pero may tanong ako."
"ano yon?. "
"since nagkita na tayo sa personal ibig bang sabihin nito girlfriend na kita? na hindi lang sa cellphone tayo magkasintahan kundi totohanan na?."
Napatingin ako sa kanya at nakita ko doon ang bahid ng pag asa at kislap ng mga mata na nagsasabing mas sasaya siya pag totohanin na ang relasyon namin.
"ah oo naman." nakangiti kung sagot habang seryosong nakatitig sa mga mata niya.
"talaga?!." nagniningning ang mga mata niyang nakatitig sa akin sabay hawak ng aking kamay at bahagya itong pinisil.
"oo nga kaya nga ako nakipagkita sayo diba?."
"yessss! woooaaahhhhh!!!!!!." malakas niyang sigaw na napasuntok pa sa hangin ang mga kamay.
"hoy! tumigil ka nga para kang timang diyan. " saway ko sa kanya.
"masaya lang ako,salamat cindy ha. mahal kita." matapat niyang sambit.
Ako naman ay biglang namula dahil sa hiya sabay bawi ng kamay habang nakayuko para itago ang pamumula ng mukha.
"sige na aalis na ako may klase pa kami baka malate kami eh. "
"sige ingat ka ha, magtext o chat ka sa akin pag nakarating kana sa classroom niyo."bilin niya.
"opo mahal." nakangiti kung sambit sa kanya.
"Ma.. Mahal?." nauutal niyang tanong habang namumula ang magkabilaang tenga..
"oo mahal from now on ayun na ang tawagan natin at iyon na ang itatawag ko sayo." malawak akung napangiti ng mapatingin sa kanya na wari'y nahihiya.
"sige ma-mahal mag ingat ka ha wag mong kalimutang magtext pag nasa school kana."
"opo sige na aalis napo ako bye mahal!." sabay talikod at patakbong lumapit kay marissa.
"tara na marissa alis na tayo baka malate tayo sa klase." magkasama na kaming naglalakad pabalik sa departamento namin ng biglang magtanong si marissa kay henry.
"So kumusta pagkikita niyo? kasintahan mona ba talaga? ano hitsura?." sunod-sunod na tanong nito.
Ako naman ay natatawang sumagot sa kanya.
"isa isa lang. unang una okay naman ang pagkikita namin pangalawa may hitsura naman tao eh." pabiro kong saad.
"next time ipakilala mo sa barkada gusto namin siya makilala. " tipid niyang sambit.
"oo ba sige sa susunod."aniya
Makalipas ang tatlong araw ay kinukulit ako ng lahat na mga babaeng kaibigan ko tungkol sa nobyo ko na nais nilang makilala.
Naitext kona si Henry kung willing siyang makipagkita sa mga kaibigan ko na sinagot naman niya ng oo kaya sa sobrang tuwa ng barkada ay nag'aya silang maligo sa dagat sa darating na sabado at doon malapit sa amin napili nilang puntahan para mas makilala daw nilang mabuti si henry.
Hindi naman ako tatanggi dahil kahit unang beses ko man magkanobyo hindi pa ako handang magsabi sa pamilya ko na may nobyo na ako lalo pa at nag'aaral pa lang ako pero hindi ibig sabihin na pati sa barkada ay hindi ko ipapakilala si henry gusto kong makilala nila at mapabilang sa aming magkakaibigan si henry siguradong matutuwa yun dahil magkakaroon siya ng kaibigan dito sa samar. napapangiti kung bulong.