Nang makarating kami sa unit ay napahinto ako dahil may exclusive na balita ang isang evening news. Nanlaki ang mata ko. Nakita ko si Sera na iniinterview ng isang kilalang talk show host. Napatingin ako kay Riyel at nakitang masama ang tingin niya sa tv. "Good evening, Ms. Sera. Thank you for accepting our interview. We know that you're tired from your shoot and we appreciate your time. We just want to ask. Are you single now?" "No.." nakangiwing sagot niya at natatawa kahit na wala namang nakakatawa sa tanong. "So, ano ang masasabi mo sa kumakalat na hiwalay na kayo ni Mr. Gabrielle A. Buenaventura Jr. at .. nagtatrabaho daw sa kumpanya niya ang pumalit sa'yo?" Hindi man lang natibag ang itsura ni Sera na para bang ineexpect niya na ang tanong sa kanya. Confident itong humarap sa

