“WHERE is Shiloh?” tanong ni Morgon kay Sasa nang makabalik siya sa beach para sana sunduin doon si Shiloh. Gusto lamang niyang makasigurado na okay ang dalaga kaya kahit magalit man sa kaniya ngayon si Shiloh, pipilitin niya itong sumama sa kaniya paalis sa beach na iyon.
“Um, kanina pa po umalis, Sir Morgon. Magpapahinga na raw po siya sa silid niya,” sagot ni Sasa.
Bumuntong-hininga naman siya saka saglit na inilibot ang paningin sa paligid. Nahagip pa ng tingin niya si Monroe na nakikipagsiyahan pa rin sa mga empleyado niya. Pagkatapos n’on ay kaagad siyang tumalikod at naglakad na palayo upang tunguhin ang hotel. Pero habang naglalakad sa buhanginan, bigla siyang napahinto nang may maapakan siya. Nangunot ang kaniyang noo nang makita niya sa buhangin ang pink na purse. Yumuko siya at dinampot iyon. Mayamaya ay bigla siyang kinabahan nang maalala niya ang bag na iyon. It was Shiloh’s. Iyon ang bag na dala-dala ni Shiloh kanina.
“f**k!” Ang tanging nanulas sa kaniyang bibig saka siya nagmamadaling naglakad papunta sa hotel. Tinanong niya sa front desk kung saan ang silid ni Shiloh. At nang makarating siya roon, sunod-sunod na katok ang ginawa niya sa pinto. Pero halos sumakit na ang mga daliri niya, pero hindi manlang bumukas ang pinto niyon. Mas lalo siyang nakadama ng kaba at pag-aalala para sa dalaga.
Mayamaya ay dinukot niya ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon at tinawagan niya si Ulap.
“She’s gone,” sabi niya nang sagutin ng binata ang kaniyang tawag.
“What?”
“Shiloh! I think nakuha na siya ng tauhan ng daddy niya.”
“Damn.”
“Mag-utos ka sa tauhan mo, Guilherme. Papuntahin mo sa bahay ni Markus.”
“Yeah, I’ll do that, bro.”
Kaagad niyang pinatay ang kaniyang tawag saka tiim-bagang na bumuntong-hininga at tiningnan ang bag na hawak niya. Pagkatapos ay nagmamadali na rin siyang umalis doon.
NANG MAALIMPUNGATAN ako, kaagad akong nakadama ng kirot sa sentido ko. Parang binibiyak iyon sa sobrang sakit. Napadaing pa ako habang masuyong hinihimas ang sentido ko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata ko. Nanlalabo pa ang paningin ko sa una. Pero mayamaya, puting kisame at maliit na chandelier ang bumungad sa paningin ko. I stared at it for a moment bago ako kumilos sa puwesto ko at inilibot ang aking paningin. The place is unfamiliar to me. Nasaan ako? Kaninong kuwarto ito? What happened to me? Mga tanong sa isipan ko habang inililibot ko pa rin ang aking paningin sa buong paligid.
“Ouch!” daing ko ulit nang kumirot nang husto ang ulo ko. Dahan-dahan din akong kumilos upang bumangon na. “Where am I?” tanong ko ulit sa sarili habang nakahawak sa ulo ko ang kanang kamay ko.
Later, the door opened and a man entered.
“Mabuti at gising ka na, Ma’am Shiloh.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. Who is he? Hindi ko kilala ang lalaking ito.
“Who are you?” tanong ko.
“Huwag n’yo na pong itanong. Basta, kumain na po kayo. Nagdala ako ng pagkain para sa inyo.” Anito at inilapag sa bedside table ang tray na bitbit nito.
“Nasaan ako?” tanong ko ulit.
But the man didn’t bother to answer me. Instead, he turned and left the room.
I groaned again because of my headache. I leaned against the headboard of the bed and closed my eyes tightly. Oh, God! What happened to me last night?
I tried to remember what happened last night. From our last video shoot, I remembered that as well as the celebration we did on the beach, as well as the conversation I had with Monroe, pati ang pagpapaalam ko sa mga kasama ko. And my eyes suddenly widened as I remembered the two men who approached me as I was returning to the hotel.
“My God!” Ang nasambit ko at napatutop pa ako sa bibig ko. “They kidnapped me!” napatingin ako ulit sa nakapinid na pintuan. Later, even though I was still dizzy and my knees and body were shaking, I forced myself to get up and walked towards the door. When I got hold of the doorknob and realized that it was locked from the outside, I was suddenly attacked with great trepidation and fear in my heart. “Oh, God! Hey! Open the door!” Malakas na sigaw ko at kinalampag ko pa ang pinto. But no one came to open the door for me. Pagkalingon ko sa may bintana, patakbo akong lumapit doon. Pero wala akong makita na puwede iyong buksan. Pinagpupukpok ng mga kamay ko ang makapal na salamin. “Help! Help me!”
Oh, no! Walang may makakarinig sa akin dito!
Where am I?
“Help! Help!”
Nag-umpisa na ring mag-init ang sulok ng mga mata ko at tuloy-tuloy iyong tumulo sa magkabilang pisngi ko.
I don’t know how long I screamed for help. I just stopped when I felt tired and slowly knelt on the floor. Sumandal ako sa gilid ng pader at niyakap ang mga tuhod ko.
“Daddy!” humihikbing bulong ko. “Please, help me, daddy!”
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit habang hilam ng luha ang mukha ko. Yakap-yakap ko pa rin ang mga tuhod ko. Nang makarinig ako ng boses sa paligid ko, kaagad akong nagmulat ng aking mga mata. I saw two men standing in front of me. I was once again struck with overwhelming fear.
“W-Who are you?” basag ang boses na tanong ko sa dalawang lalaki.
Parehong medyo may edad ang mga ito. Pero ang isa... Kahit halatang may edad na at medyo puti na ang buhok, bakat na bakat pa rin sa suot nitong white long sleeve ang maganda nitong katawan. Halatang alaga sa gym.
Ngumiti ito sa akin. “So, you’re Shiloh Fuentes!” ani nito.
“Who are you?” ulit na tanong ko.
Bakit ako kilala ng mga taong ito?
Saglit na nagkatinginan ang dalawang lalaki at tila nag-usap ang mga ito mata sa mata at pagkatapos ay sabay na tumalikod at lumabas ng kwarto. Bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko, naisarado ng muli ang pinto.
Nanlulumong napasandal na lamang akong muli sa malamig na pader.
“NAKAHANDA na ba ang mga tauhan natin, Arn?” tanong ni Morgon kay Arn nang pumasok siya sa kanilang hideout. Katatapos lamang ng pag-uusap nila nina Sky at Ulap. Nakapagplano na sila sa kanilang mga gagawin kung sakali mang magkaroon ng gulo mamaya sa auction. Ang nauna nilang plano na paghuli kay Borbón pagkatapos ng auction ay hindi na nila itinuloy. Mas priority nila ngayon na makuha si Shiloh bago siya maunahan ni Borbón.
Tumango si Arn. “Nasabihan ko na lahat, bro! Alam na nila ang kanilang mga gagawin mamaya in case magkaroon ng problema.”
“Good,” aniya. Naglakad siya palapit sa shelves kung saan naka-display ang iba-ibang uri ng kanilang mga baril at armas. Lahat na ata ng klaseng baril, kutsilyo o mga gamit pang-patay sa kanilang kalaban ay makikita roon sa loob ng kanilang hideout.
Bilang kasali sa malaking grupo ng sindekato noon, alam ni Morgon kung paano gamitin ang mga iyon. Kailangan niya ang mga iyon para mas madali niyang mapatay ang mga kalaban nila. And just like him, alam at marunong din sa mga bagay na iyon sina Arn, Ulap at Sky. Well, matagal na silang nasa industriya ng mga gumagawa ng illegal activities. Kaya hindi na nakakapagtaka iyon. At pare-pareho din silang may background sa navy and secret agent noong nasa ibang bansa pa sila naka-base.
“Let’s go?”
Narinig niya ang boses ni Ulap na kapapasok lang din sa silid.
Nilingon niya ito matapos niyang kunin ang itim na mouse gun at isinuksok niya iyon sa kaniyang likuran.
“Let’s go.” Naglakad na siya palabas ng silid na iyon. Sumunod naman sa kaniya sina Arn at Ulap.
Sa isang itim na kotse sila sumakay habang nakasunod naman sa kanila ang kanilang mga tauhan.
Pagkarating nila sa casino kung saan gaganapin ang auction, siya lamang ang dumaan sa entrance ng building, habang sina Ulap, Sky at Arn ay nagkaniya-kaniya na ng alis upang gawin ang mga plano nila. Naghiwa-hiwalay na sila maging ang mga tauhan nila ay nagkalat na rin sa labas ng malaking gusali.
“Name please, Sir!” anang babae na nasa entrance at nag-che-check sa mga guests na dumadating.
Ngumiti siya sa magandang babae na halatang ikinakilig nito. “Morgon Montalban,” sagot niya.
Ngumiti ulit ang babae saka tiningnan ang notepad na hawak nito upang hanapin ang kaniyang pangalan doon.
“You can come in now, Mr. Montalban.” Ani nito at iminuwestra pa ang kamay upang papasukin na siya.
Ngumiti siyang muli at tinanguan ang babae. “You’re beautiful.”
“Thank you, Mr. Montalban.” Halatang kinikilig na saad ng babae.
Nang makapasok na siya, biglang naglaho ang ngiti sa mga labi niya at seryosong tinahak niya ang pasilyo papunta sa function hall. Inayos niya pa ang suot niyang tuxedo maging ang earpeace na suot niya. Roon sila mag-uusap-usap ng mga kasamahan niya.
“I saw Borbón. Kakapasok niya lang din.”
Narinig niya ang boses ni Ulap na siyang naka-monitor sa CCTV na ikinonekta nila sa ipad na hawak nito ngayon. Naglalakad ito sa hallway.
“Marami ba siyang kasamang tauhan?” tanong niya.
“A lot.”
“May kasama rin siyang babae.” Ang boses ni Arn.
“That’s his girlfriend, I think.” Anang Sky.
Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. “He has a girlfriend?” tanong niya.
“Sexy.” Arn.
“And hot.” Anang Ulap na lumapad pa ang ngiti habang pinagmamasdan nito ang babaeng naglalakad sa hallway. In-zoom pa nito ang screen ng ipad na hawak nito. Halos lumuwa ang dibdib ng babae sa suot nitong fitted silver dress.
“Focus, Guilherme.” Anang Sky.
Nang makarating siya function hall, halos naroon na ang mga taong kasali sa auction na iyon. Kagaya niya, puro mayayaman at businessman ang naroon.
“Focus, guys!” Sky.
“Malapit na si Borbón.” Anang Ulap.
Naglakad siya papunta sa lamesang naka-reserved sa kaniya. Nasa bandang gitna iyon. At nang igala niya ang kaniyang paningin sa paligid, nakita niya ang isang bakanteng lamesa kung saan may nakalagay sa ibabaw niyon na pangalan ni Borbón. Malapit lang iyon sa puwesto niya.
NAPATINGIN ako sa bumukas na pinto ng kuwarto. Nakita ko ang dalawang lalaki na pumasok. At nang makita kong may baril na hawak ang mga ito, bigla akong sinalakay ng labis na takot. Nagsumiksik ako sa gilid ng pader.
“Halika na!”
“Sa... Saan n’yo ako dadalhin?” nahihintatakutang tanong ko.
“Huwag ng maraming tanong.” Anang lalaki at kaagad na kinuha ang isang kamay ko.
Nagpumiglas ako. “Ano ba! Bitawan ninyo ako. Saan n’yo ako dadalhin?” Singhal ko at patuloy na nagpumiglas. Muli na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa labis na takot at pag-aalala.
“Huwag ka nang pumalag, Ma’am Shiloh. Hindi ka namin sasaktan. Sumama ka na lang.”
“Please! Pakawalan n’yo na ako!”
“Hindi namin puwedeng gawin iyon, Ma’am Shiloh! Pagagalitan kami ni boss.” Anang lalaki.
Nangunot naman ang noo ko. Boss? Sino ang boss nila? Sino ba ang nagpadukot sa akin?
I couldn’t do anything but walk while the two men held me by both arms. Hanggang sa makalabas kami ng kuwarto. Huminto naman ang mga ito kaya napahinto rin ako.
“Piringan na muna ’yan bago ilabas ng bahay.” Anang isang lalaki na sumalubong sa amin.
Kaagad namang tumalima ang isang lalaki at tumayo sa likuran ko. Tinakpan ng panyo ang mga mata ko.
Hanggang sa inakay na ako ng mga ito palabas ng bahay. Mga boses lamang ng kalalakihan ang naririnig ko. Nang maisakay ako ng mga ito sa isang kotse, tahimik na lamang akong napaluha ulit at nagdasal na sana ay hanapin ako ni daddy at mailigtas ako mula sa mga dumukot sa akin.