Hindi pala panaginip ang lahat. Totoong nakaunan siya sa bisig ni Wade at totoong nakadantay ang isang braso nito sa katawan niya. Yakap siya ng lalaki at halos maduling na nga sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Tulog na tulog si Wade. Halatang pagod. Konting kibot niya lang kasi, nakaalalay kaagad ito sa kanya. Ilang beses siya nitong tsinek kagabi. Kinukuhanan ng temperatura at binantayan ang oras ng pag-take ng gamot. All of a sudden, sumigid ang hiya sa kanya. Ilang beses siyang pinawisan kagabi, wala pa siyang mumog man lang pero ang presko pa ring tingnan ng katabi. Nakawiwiling panoorin ang buong mukha nito- ang matangos na ilong, ang katamtamang malalantik na pares ng pilik-mata, at higit sa lahat, ang mapupulang mga labi. Nakaramdam siya ng kilabot nang maalala kung ilang beses

