Nalagpasan ni Tashi ang madugong midterm exams. Finals na naman ang bubunuin niya. Umaasa siyang magiging okay na si Tita Loida pagdating ng araw na ‘yon. Hanggang hindi klaro ang pangako nito, aalipinin niya muna ang katawan sa bawat raket na kaya niyang gawin. Kahit paggawa ng plates ng isang kaklase na hindi nakayang i-cope up, pinatos na niya. As much as possible, magiging pinakahuling option ang paghingi ng tulong kay Tita Cornelia. “Magsabi ka lang, okay? Nakakapanghinayang ka kasi. Mukhang magiging best seller kita lalo na kapag nailagay ko na ang picture mo sa website. Ang mga kliyente, gusto nila ‘yong natural na ganda, lalo na ang inosenteng tingnan na kagaya mo.” ‘Hindi ako aabot sa puntong ‘yon,” ang pangako niya sa sarili. “Hinding-hindi na.” Hangga’t may mapagkukunan. Laki

