Simula ng araw na ‘yon, sa bahay na halos naglalagi si Wade. Katunayan, naipon na nga ang mga damit nito sa closet nito. They were already practically living together. Sa magkabilang silid nga lang sila natutulog. Kadalasan, sa silid ni Wade nangyayari ang mga eskandalosong bagay sa pagitan nila. Kapag kasama niya ito, nababaon sa limot ang mga agam-agam, pati na ang mga turo ng mga magulang at ni Tita Merriam. Pakiramdam niya, para siyang nagbabagong katawan, nag-iiba siya sa mga yakap at haplos nito. Pero kapag humuhupa na ang init, doon bumabalik ang hiya. “Saan ka pupunta?” Naantala ang gagawin niya sanang pagdampot ng mga damit nang bigla na lang magsalita si Wade sa likuran niya. Nagtatanong ang mga matang napalingon siya sa lalaki. Wade had that look of disapproval. Nagsalubong an

