ELORA AVALON P.O.V Habang naglalakad ako sa eskinita, medyo malamig ang hangin at tahimik ang paligid. Nakatakas na naman ako kay Augustus dahil subrang clingy niya at baka langgamin kami bigla, gusto ko lang naman ng kaunting oras para sa sarili ko. Hindi naman ibig sabihin na hindi ko siya mahal, pero minsan kailangan ko lang magpahangin. Tsaka ko na siya susuyuin pag nakapaglakwatsa muna ako. Habang naglalakad ako, ramdam ko ang pagiging astig ko. Kahit naka-uniform ako ng skirt, parang pakiramdam ko lalaki akong kumikilos. Siguro dahil na rin sa katawan ni Zelia na maliksi kaya nakakagalaw ako sa ayon sa gusto ko.. Bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa isang ale, "Tulungan niyo ako! Magnanakaw!" Napangisi ako. Ang daming magnanakaw dito sa eskinita, at mukhang oras na para turuan

