AUGUSTUS OZAN P.O.V Nasa university ako, hawak-kamay si Zelia habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ko siya bibitawan kahit anong mangyari. Alam ko na nandito si Ethan, at hindi ko hahayaang makalapit siya kay Zelia. Napansin kong may mga mata na nakatingin sa amin, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga, kasama ko si Zelia. "Baby, okay ka lang ba?" tanong ko habang inaakbayan siya. "Okay lang ako, Augustus. Medyo nakakapanibago lang," sagot niya, nakangiti. Sa tuwing papasok kami sa classroom, hinahanap ko agad si Ethan. Ayun, nandun siya sa likod, nakatitig sa amin. Umupo kami ni Zelia sa harap, at hindi ko siya binitiwan kahit na mag-lecture na si professor. Nang mag-break kami, lumapit si Ethan sa amin. "Hi Zelia, pwede ba kitang makausap sandali?" tanong ni Ethan, halatang pil

