First Person POV Matagal na akong gising ngunit hindi ako nagdilat ng mata. Hindi ko na alam kung gaano ba ako katagal na nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagpalo sa ulo ko sa pangalawang pagkakataon ng kung sino na hindi ko na nakayanan. Ramdam ko pa rin ang kirot, gusto ko sanang salatin ang bahaging iyon ng ulo ko ngunit hindi na ako nag-abalang gumalaw pa. Tanda at patunay nang nararamdaman kong sakit na buhay pa ako. Gusto kong mapangiti pero alam kong hindi ito ang tamang oras para roon. Hmm. Masamang damo siguro ako kaya hindi pa ako natuluyan. At nakakatuwa lang din kahit papaano na natatandaan ko pa ang mga mahahalagang tao sa buhay ko at ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. Ang ibig lang sabihin no'n ay hindi malala ang pagkakapalo sa ulo ko dahil wala akong nak

