First Person POV Pagkarating ko sa dorm ay humiga agad ako para makapagpahinga, hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog dahil hindi ko naman na naasikasong tignan ang oras pagkauwi ko. Lumabas lang ako saglit at kumain pagkatapos ay bumalik ulit ako sa dorm para maghiga, tamad na tamad kasi ang pakiramdam ko at iniisip ko nga kung tutuloy pa ba akong umalis mamayang gabi o baka ipagpaliban ko na lang muna. Napatingin ako sa telepono ko noong tumunog iyon. Zan-Zan: Hoy, uuwi ka ba? Bakit ang tagal mo? Napailing ako sa nabasa ko dahil sa paraan nito ng pagte-text. Kahit kasi sa text ay kasiga nito, kung hindi mo ito kilala ng lubusan hindi mo malalaman kung babae ba talaga ito. Nagtitipa ako para mag-reply. Me: Oo. Zan-Zan: E nasaan ka na? Anong oras ka makakauwi rito? Naii
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


