Chapter 19.1

1738 Words

First Person POV Nagsi-umpisa na kaming maglakad, nang makalabas kami ay nagpaalam ang mga ito sa guard at nagpasalamat. Pasimple kong sinulyapan si Kyo na kasabay si Avery, nauunang maglakad ang mga ito sa amin. Dala ni Kyo ang mga gamit nito. Napangiti ako nang bahagya bago iniiwas dito ang tingin. Labag man sa loob ko, pero kailangan kong matuwa sa nakikita ko. Nagulat ako noong biglang nagmabilis ng paglalakad ang pinsan ko at tumapat sa magkapareha na tinitignan ko kanina. "Avery, pwede bang hiramin saglit si bunso?" tanong ni Zan sa babae na mas ikinagulat ko. Ano'ng pinaplano nito? "Sige po, Ate Zan." Pagpayag nito bago nagmabagal na maglakad. "Hoy, lalaki! Bakit hindi mo man lang ako tine-text?!" gigil na umpisang tanong ng pinsan ko nang medyo malayo na si Avery sa amin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD