First Person POV Tinanghali ako ng gising kaya apurang-apura ako sa ginagawang paggayak. Dagdag stress at badtrip pa 'yung feeling na kung kailan ka pa nagmamadali ay saka pa nawawala 'yung bagay na kailangan mo. Ayaw magpakita at mukha talagang nagtatago. Psh. Bwiset na suklay! Gulo-gulo pa ang buhok ko, e. Hindi naman ako pwedeng lumabas na saburayray ang buhok, baka matakot ang bawat makakasalubong ko sa ganitong hitsura ko. Sinubukan kong tinignan sa ilalim ng kama, drawer at bag ko, pero wala pa rin. Napabuga ako ng hangin bago ko naisipang bumalik sa CR, at boom! Naroon lang pala! Nakakaimbyerna talaga! Nang matapos ko ng ayusin ang buhok ko ay agad kong binitbit ang mga gamit ko. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil male-late na talaga ako sa first subject ko. Ngunit sa huli ay

