Chapter 37

2416 Words

First Person POV "What?" natatawa kong tanong sa pinsan ko. Umiling naman ito at humawak sa kilay nito habang patuloy sa paninitig sa akin. Nangalumbaba naman ako habang naiiling at ginaya kung paano ako nito tinitignan, para akong sinusuri. Nang lumipas ang ilang minuto at gano'n lamang kami sa isa't-isa ay ako na mismo ang sumuko dahil sa ang hapdi sa mata ng ginagawa nito, hindi kasi ito kumukurap. Mabuti na lang at sanay na ako sa mga ganitong kabaliwang galawan ng pinsan ko. Lalo lamang akong napailing dahil napakaseryoso ng hitsura nito, para akong isang bagay na in-e-examine nito. "Seriously? Tititigan mo lang akong maghapon?" Hindi pa rin ito tuminag. "Huy! Kibo-kibo rin kapag may time. Ano na? Nabilang mo na ba ang pores ko? Baka naman gusto mo pang gamitan ng microscope?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD