Nagbigay daan lahat ng estudyanteng nakaharang sa daanan ng presidente nila. Bawat lakad nito ay ang pagpigil ng paghinga ng mga tao sa buong cafeteria. Napako naman ang tingin ni shay kay carmelo habang hawak pa din ang buhok ng dalaga. Samantalang si sofia naman ay nagulat sa pagdating ng presidente nilang yelo. Kung titignan si sofia ay maaawa ka na lang sa sinapit nito, nasira ang dalawang butones ng uniform niya kaya nakikita ang maputi niyang dibdib, gulo-gulo ang buhok, may mga pasa, namumula ang magkabilang pisnge at idagdag mo pa na basang-basa ang muka dahil sa luha nito. Napayukom ang kamao ni carmelo dahil sa nakikita, iniisip niya na ano ba ang karapatan ng mga estudyanteng ito para saktan ang pag aari niya. Tinignan ni carmelo si shay ng wala ka mababakas na emosyon, pero

