Sofia's Pov Pagdating ko sa tapat ng room namin ay hindi naman ganun ka ingay, siguro nandyan na ang professor namin. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito buksan. Saktong pag pasok ko ay inulan nananaman ako ng crumpled papers at kung ano-ano pa, I just close my eyes para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Kalma Sofia, aalis ka din naman agad sa room na to. "Stop it class!" Nagdilat ako ng mata at nakita kong si Sir De Silva pala ang nanditong professor namin. Hindi ko alam. Why? We're not like the other sections na sunod-sunod talaga yung mga professor katulad sa schedule nila. Dito kasi sa last section, rumble ang schedule nila, dapat pang third subject pa namin si Sir De Silva but it turns out na nandito na siya 1st subject pa lang. Hays. Wala kasing nagtatagal na professor sa se

