Third Person's Pov Lahat ng madadaanan niya ay yumuyuko sa kanya. Lahat ng madadaanan niya ay nanginginig sa takot. Hindi biro ang malakas at nakakapanindig balahibo niyang mga tingin at ang awtoridad na bumabalot sa buong pagkatao niya. Pumasok siya sa isang kwarto kung nasaan ang iba pa mga kasamahan niya na tapat na naglilingkod sa kanya. Umupo siya sa pwesto niya at nagyukuan naman ang mga nasa harap niya, wala ni isa ang nagsasalita dahil bakas sa pinuno nila ang maitim na aura nito. "What is the update?" Tanong niya sa mga ito. "They're moving, may nakakita sa kanila na inaatake ang isa sa mga grupo ni Ryu" Sabi ng babaeng hanggang balikat lang ang haba ng buhok. "Damn them! They are really asking for war" Sabi niya habang nakakuyom ang mga kamao. "Master? What are we going to

