Gulat, yan ang makikita mo sa muka ng mga tao sa loob ng classroom. Hindi nila maintindihan kung bakit dalawang sofia ang nakikita nila. Idagdag mo pa na kakaiba ang mata ng babaeng kaharap nila. Ginapangan sila ng kaba ng marinig ang pagkasa ng baril, inutos ni sofia kay miko na isarado lahat ng pinto, ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya. Napangisi si serena dahil sa ginawa ng kapatid. Pagkaalis kasi ni miko kanina ay hindi napigilan ni serena na lapitan ang mga lalaking kaklase. Flashback... Pagkaalis ni miko ay nakatingin lang si serena sa mga lalaking kaklase nito, nalaman niyang malaki ang galit ng mga ito sa ate niya, which is ang alam nila ay siya. Dahil sinaktan daw ng ate niya si mayumi, na kabaligtaran daw pala ang nangyari. Nang umalis si mayumi at carmelo ay hin

