Serena's Pov Pagpasok pa lang namin sa room namin ay nakita ko ang kabuuan nito, parang dinaanan ng bagyo susko! Paano nakayanan ni ate to? Tinignan ko ang mga tao sa paligid at nagulat ako kasi hindi ko inaasahan na lahat ng nandito ay mga anak ng business partners ng family namin, specially may kinalaman sa underground business. Kaya ba? Kaya ba gusto nila mama na dito ako pumasok at dalhin sa section na ito dahil alam niyang mapo-protektahan nila ako? But how? Hindi nga nila kami kilala ni ate dahil hindi pa naman kami pinapakilala sa buong Mafia City and Underground City. Lalapitan ko sana sila pero hinila ako pabalik ni miko sa tabi niya ulit. "Don't come near them" Sabi niya habang matalim na nakatingin sa mga kaklase namin. Tinapunan ko ng tingin ang mga ito at masama ang bin

