Nagising si sofia sa sarili niyang kwarto, madilim dito at tanging lampshade niya lang ang nagsisilbing liwanag sa kwarto niya, bukod sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Inalala niya lahat ng nangyari bago siya mawalan ng malay, ang pagdating bigla ng kanyang mga magulang, ang pagtatalo ng magkapatid. Wala ka ng ibang makikita sa mga mata niyang emosyon. Naging sobrang malamig ito, Tila ba may pumatay sa isang dalagang walang ibang ginawa at ipakita kung hindi kasiyahan. Ngayon? Parang piniga lahat ng kasiyahan sa buong pagkatao niya, habang tulog siya ay marami siyang natuklasan na hindi niya inaasahan. Bumukas ang pinto at ilaw ng kanyang kwarto, tinignan niya kung sino ang mga pumasok. Nagulat silang lahat ng makita si sofia ngayon at ginapangan sila ng kaba at takot dahil sa nakik

