Chapter 30 ~Freya Martin~ “Ay siya nga pala, may importante akong announcement…” Ito ang sabi ni Mom nang nasa harap kaming tatlo ni Vince sa table before we eat our breakfast. Kapag ganyan si Mom ay kinakabahan talaga ako. Kung ano ano kasing kalokohan ang naiisip niya. At kapag naisip niya ay hindi pwedeng hindi mangyari. Sana naman ay good news yan dahil mawawalan talaga ako ng gana. Buti nga ay kaya ko pang harapin si Vince, after what happened yesterday sa bachelorette party. Naaalala ko pa naman kung anong ginagawa ko though hindi ganun kadetalyado at kalinaw. Pero alam ko, isa na namang kahihiyan. Buti na lang at pwede kong idahilan na lasing ako at hindi ko na alam at maalala ang mga pinagsasabi at pinaggagawa ko. “Alright mom, anong announcement yan,” tanong ko dahil kina

