Chapter 24 ANGELA Pagkatapos kumain naglibot-libot ako sa labas ng bahay upang tanggalan ng tuyong dahon ang mga tanim na bulaklak ni Manang. Habang tinatanggalan ko ng dahon ang mga bulaklak ay narinig ko ang boses ni Darius na may kausap sa kabilang linya sa gilid ng pintuan. “Mabuti naman kung nakuha mo na ang red folder. Ibigay mo kay Welton iyan at siya na ang bahala magbigay ng pera sa’yo. Siguraduhin mo lang na huwag ka ng magpakita pa dahil kapag nakita kita na pagala-gala itatapon kita sa butas na maraming cobra.” Nangilabot ang mga balahibo ko ng marinig ang sinabing iyon ni Darius sa kausap niya. Ilang sandali pa ang lumipas tumikhim siya sa aking likuran. “Alam mo bang nalalapit na ang pagbagsak ng ama mo sa industriya ng negosyo? Lahat ng pagmamay-ari niya unti-unti kong

