Chapter 29 Darius Halos ilang linggo rin ako namalagi sa Maynila bago umuwi sa Masbate. Mabuti na lang talaga sa eroplano ako dumaan at tinawagan ko lang si Manong Ivan na sunduin ako sa airport. Subalit hindi ko inaasahan na makikita ko si Angela sa gilid ng kalsada. Pinarusahan ko siya at hindi ko akalain na mawalan siya ng malay sa paglagay ko ng tuko sa kaniyang kandungan. At alam ko na mula kanina ay sinusungitan na ako nitong bruhilda na anak ni Lucio. Subalit hindi ko inaasahan ang pagtawag ni Welton sa akin. Para sa akin masama ang kaniyang ibinalita. “Boss, hindi talaga si Lucio ang pumatay sa nobya mo. Nang araw na pinatay si Ma’am Lara, hindi nakalabas ng subdivision si Lucio. Pinaimbistigahan ko po ang lugar kung saan nakatira si Lucio. At ‘yong singsing po na nakuha sa cri

