Chapter 21 Darius Dinala ko ang pulis na iyon sa abandunadong bahay sa hindi kalayuan sa Iloilo. Doon ko siya iginapos sa silya na bakal. Si Pako ang pinahanap ko sa lugar na iyon at iyon ang iniutos ko sa kaniya; ang hanapan niya ako ng lugar na pagdalhan sa demononyong pulis na ito. Nawalan ito ng malay nang pukpukin ko ito ng sarili nitong baril sa kaniyang batok, saka ko siya isinakay sa sasakyan ni Gerald. Sinigurado ko naman na walang nakakita dahil malalim na ang gabi nang inilabas ko ang pulis sa apartment na inuupahan nito. Gamit ang isang balde binuhusan ko ito ng tubig. Nasa labas si Pako naghihintay lang kung ano ang iuutos ko sa kaniya. Nagising ang pulis sa pagbuhos ko sa kaniya ng tubig. Pumapalag ito subalit wala siyang magagawa dahil nakapusas ang dalawa niyang kamay

