Mabilis na lumipas ang araw matagumpay na naipasa niya naman ang lahat ng exams niya, bago matapos ang first sem ay nakakasabay na siya sa lectures. Walang araw na hindi nawawala sa isip niya ang binata kung kamusta na ba ito ngayon, isa sa kinalulungkot niya ay wala rin siyang natatanggap na tawag o mensahe galing dito. Pakiramdam niya tuloy ay tuluyan na siyang nakalimutan nito, dumating narin ang sem break habang ang ilan ay nasa bakasyon siya naman ay nagpapatuloy sa pagpasok para sa ilang mga back subjects niya. Itinuon niya ang sarili sa pag-aaral dahil ito ang huling kagustuhan ng binata. Madali lang naman pala ito basta't pursigido at hahaluan ng kasipagan, kaya niya naman palang maging masipag. Nagsisimula narin ulit magbukas ng panibagong negosyo ang mga magulang niya, hindi gan

