Gabi na nang makabalik sila ng warehouse, ilang beses silang naligaw bago nakarating sa address ng pinagdeliveran. "Akala ko talaga naengkanto na tayo, buti nalang binaliktad mo yung suot mong damit Eliver", rinig niya pang wika ni Carlo matapos nilang makababa ng truck, "Ikaw lang naman mukang engkanto eh", "Pambihira kayong dalawa, ilang beses na kayong nagdedeliver sa lugar na yun di niyo parin alam ang daan papunta", napakamot ulo naman ang mga ito, mabuti nalang at hindi masyadong nagmamadali sa receiving ang mga ito kahit na late sila ng mahigit isang oras. "Pasensya na Mam, mahina kase memorya namin eh. Kumbaga laging No Direction", muntik pa siyang matawa sa mga ito, "Sha, mag ingat kayo sa pag uwi", wika niya, sila nalang ang empleyado na naroon sa shop at tingin niya ay naka

