Part 11

2048 Words
"Celina, dalhan mo raw ng kape si Sir Harry sa taas", wika ni Boss B habang pababa ito ng hagdan, dali dali naman siyang nagtungo sa kusina. "Alam mo na ang gustong timpla sa kape ni Sir Harry hah?", "Oo naman Boss B, ako ng bahala", nakangiti niyang saad dito "Ang bilis mo talaga pag kay Sir noh? paalala ko lang sayo bata hindi napatol si Sir sa mga bata", inungusan niya naman ito "Paalala ko lang din sayo Boss B hindi nako bata", "Pero isip bata, ako rin pagtimpla mo na mukang masarap ka gumawa ng kape eh", "Tatanggapin na kaya ako ni Sir na maging Assistant niya?" "Naku malabo yan Celina, ako lang ang nag iisang Assistant non", saad nito ng maiabot niya ang kape, napanguso naman siya. Tinalikuran niya nalang ito at umakyat na sa silid ng binata. Nakaawang naman ang pinto nito kaya pagtapos niya kumatok ay pumasok na siya. Nakita niyang mataman itong nakaupo kaharap ang laptop nito, mukha itong abala kaya marahan siyang lumapit dito at maingat na inilapag ang tasa ng kape sa gilid nito. Napaangat naman ang tingin nito sa kanya. "Thank you", saad lang nito saka tipid na ngumiti at itinuon ulit ang tingin sa kaharap na laptop, naisipan niya naman na magpasalamat dito "Ahm Sir thank you pala don sa mga pinamili niyong damit", nauutal niyang saad "Did you like it?" "Y-Yes Sir", "So Celina, pinag isipan kong maigi ang sinabi mo", simula nito matapos humigop ng kape "P-Po?", "I don't want you to be a nanny or a Personal Assistant, may mas better na trabaho para sayo accept my offer", "P-Pero Sir", nag-aalangan na saad niya bigla umahon ang kaba sa dibdib niya, pag hindi ito pumayag ay hindi na niya alam ang magiging kahihinatnan niya "Why? tell me ano ang inaalala mo?" malumanay na tanong nito, mukhang desidido talaga ito na tanggapin niya ang scholarship "Sir hindi kaya ng utak ko na maipasa yung mga subjects, nagstop na nga ko sa pag aaral dahil hindi ko na kaya ipasa. Mas gusto na nga lang ng mga parents ko ipakasal ako e", "What? ipakasal??", Natigilan naman siya at lalo kinabahan, hindi niya pala dapat masabi dito ang isa sa mga dahilan niya kung bakit siya nandito. "Ah ano, gusto nila na mag-asawa nalang ako kesa mag aral", aniya sabay iwas ng tingin dito, bigla naman itong natawa kaya nagtataka na napatingin siya dito. "I'm sorry, I did not expect na ganyan ang reason mo", napailing na lang siya dito, mukhang wala na ata siyang pag-asa "Malayo pa ang mararating mo Celina, just trust yourself", muling saad nito pero natahimik lang siya habang nakatingin dito.Malayo naman na talaga ang narating niya, nagawa niyang talikuran ang buhay niya sa Manila at makipagsapalaran sa ibang lugar, makisalamuha sa mga hindi niya kilalang tao at magtiis sa sitwasyon na hindi niya akalaing makakaya niyang pasukan. Napapaisip siya ngayon kung ano na ang sunod na gagawin. Hindi naman siya pwedeng mag istay ng matagal dito, hindi niya parin alam kung kailan uuwi ang kanyang mga magulang dahil ayaw niyang bumalik na wala ang mga ito. Natatakot siya sa pwedeng gawin ni Angelo lalo na ngayon na ilang linggo na niya itong tinakasan. "Celina nandyan kalang pala may tumatawag dito sa cellphone ko hinahanap ka", saad sa kanya ni Boss B kaya napalapit agad siya dito "Po? sino raw?" "Siya raw si Taba", "Hah?, pwede makitawag Boss B?" "Oo naman kaya nga kita hinanap, heto oh tawagan mo na at mukang importante", Napatango naman siya at iniabot agad sa kanya nito ang telepono, lumabas siya sandali ng gate habang dinadialled ang number ng kaibigan. Ilang sandali bago ito sumagot sa kanya "Hello Ara, si Celina toh!" kinakabahang saad niya "Taba!!! mabuti naman at tumawag ka", "Anong balita? namessage mo ba sila Mom?", "Hindi pa raw sila makakabalik agad dahil nagkaron ng problema pero hindi niya binabanggit", "Uhm ganon ba?", "Mukhang tiwala parin sila na nasa poder ka ni Angelo, pero taba nakausap ko si Vince ang sabi niya malapit kana raw nila mahanap", bigla siya binundol ng kaba sa narinig kasabay ng panlalamig ng mga kamay niya "Ano?" "Hindi ko alam kung totoo yung sinabi niya sakin kahapon pero ng makita ko si Angelo sa school mukhang kampante ang itsura niya at isang nakakalokong ngiti ang binigay niya sakin. Hanggang ngayon nga nangingilabot parin ako pagnaaalala ko", Sandali naman siyang natigilan sa sinabi nito, imposible namang alam na nito kung nasang lugar siya. "Uy taba nandyan kapa ba?? please mag iingat ka. Wag na wag mong bubuksan ang phone mo okay?", "O-Oo taba salamat," "Wag ka mag-alala gagawa ulit ako ng paraan para makontak si Tito basta pag nakabalik na sila umuwi kana ah?", "Oo taba, uuwi ako", aniya bago nagpaalam dito. Muli siyang natigilan habang nakatingin sa kawalan, hindi pwedeng matagpuan siya ni Angelo hanggat hindi nakakabalik ang mga magulang niya. "Celina okay kalang ba dyan?", untag sa kanya ni Boss B na kakalabas lang ng gate tumango naman siya dito at ngumiti. Lumapit narin siya dito at ibinalik dito ang hiniram niyang cellphone. "Salamat Boss B", aniya saka pumasok sa loob. Dumiretso siyang kusina para uminom ng malamig na tubig dahil pakiramdam niya nanuyot ang lalamunan niya. Matapos niyang mainom ay tahimik na naupo siya. "May problema ba Celina? pwede kang magsabi samin ni Manang Becky mo", wika ni Boss B na nasa harapan niya, di niya namalayan ang pagdating nito, "Uhm wala Boss B, ayoko pa kaseng umuwi samin pero-" "Okay lang naman na manatili ka dito Celina wala namang problema samin at mukang wala rin namang problema kay Sir Harry kaya maaari ka magstay dito hangga't kelan mo gusto yun ay kung hindi paba nag aalala ang pamilyang iniwan mo", "Hindi pa naman sila nag-aalala sakin dahil ang alam nila nasa maayos ang kalagayan ko", "Yun naman pala eh edi makakapagstay kapa ng matagal dito kasama si Sir Harry", birong saad nito kaya pilit na napangiti siya, "Pero hindi nila alam na wala ako sa poder ng taong pinagkatiwalaan nila", "Yun lang ano ba kasing nangyari bakit ka umalis? mga kabataan talaga ngayon tsk tsk?", "Uhm", sandaling nag isip naman siya ng sasabihin dito, pano niya ba ipapaliwanag dito na yung taong iniwan niya ang taong gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang. "Wala lang gusto ko lang lumayo", napakamot naman ito ng ulo sa isinagot niya pero ngumiti lang siya. "Nga pala bukas Celina gusto mo bang sumama ulit sa bayan? mamamalengke kami ni Becky", "Oo naman sama ako basta gala Boss B", "Gala ka talagang bata ka, siya maiwan na nga muna kita", tumango lang siya dito at sinundan ito ng tingin. Nagtungo naman siya sa likuran ng Rest House para kunin ang mga nilabhan niyang damit. Sa tuwing naaalala niya ang sinabi ng kaibigan ay umaahon ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Taimtim niyang hiniling na sana ay hindi pa siya matagpuan agad ni Angelo. *** Paakyat na siyang hagdan ng may maapakan siyang kung ano. Agad niya naman dinampot ang card sa paahan niya, nakita niya agad ang picture ng dalaga. I.D sa pinapasukan nitong University. Celina D. Galvez B.S Business Administration Year 20**-20** De La Salle University Tumingin siya sa kusina at sa sala pero hindi niya nakita ito doon kaya umakyat nalang ulit siya ng hagdan at nagtungo sa kanyang silid. Sandali niyang inilapag ang Id nito sa mesa niya saka binuksan ang kanyang laptop. Marami ng mga trabaho ang nakapending sa kanya na kailangan niyang tapusin, pinag iisipan na niyang bumalik ng Manila sa susunod na linggo. Magiging abala na ulit siya, kailangan niyang abalahin muli ang sarili. Isang Email galing sa di kilalang tao ang nahagip ng tingin niya kaya sandali niyang binasa ang laman nito. Gusto nitong makipag set ng meeting sa kanya at may inaalok itong proposals sa isang Manufacturing Business. Wala pa sa isip niya ngayon ang mag out of country kung saan naroon ang taong gustong makipag meeting sa kanya. Nang tingnan niya ang sender ay sandaling natigilan siya. Julius Galvez Nagawi naman ang tingin niya sa Id na nasa gilid niya, kaparehas na apelyido pa ito ng dalaga. Bigla niya naalala na pinakilala nga pala itong pamangkin ng Ginang pero sa pagkakatanda niya ay wala ng kalapit na kamag anak ito dito. Napakunot noo naman siya at sandaling ipinilig ang ulo. Napatingin siya sa pinto ng may kumatok, marahil si Celina sakto lang at maiaabot niya dito ang nadampot niyang Id nito. "Good afternoon Sir, magmeryenda muna kayo", si Manang Becky habang bitbit ang tray ng pancake at orange juice "Ah Manang si Celina po?", "Nasa likod Sir kumukuha ng mga labahan", nakangiting saad nito, "Nadampot ko ang ID niya, paki sabi na kunin niya nalang dito sakin", "Ay oh sige Sir, ang batang yon talaga", tatalikod na sana ito ng bigla niyang naisipang tanungin "Manang Sandali, tungkol kay Celina", agad naman ito napaharap sakanya "S-Sir??", "Akala ko ay wala na kayong ibang kamag-anak dito?", bigla naman nag iba ang mukha ng ginang so tama ang iniisip niya na hindi nito kamag anak ang dalaga. "Ah ano kase Sir,, wag po sana kayong magagalit,, Si Joselito kasi", Napakunot noo naman siya, pero may kumatok ulit sa pinto at nang bumukas ay pumasok sa loob si Kuya Bigs "Becky nandito ka lang pala, Sir okay na po ang sasakyan", "Kuya Bigs may dapat kabang ipaliwanag sakin tungkol kay Celina??" aniya naman dito "Sir??", nagtatakang napatingin naman ito sa Ginang, "Ikaw ng magpaliwanag kay Sir Joselito", bulong naman dito ng Ginang "Ang ano ba yun? may nagawa bang kasalanan si Celina?" "Sabihin mo kung paano napunta dito si Celina", bulong ulit nito "Ah ganon ba?", kamot ulo naman itong humarap sa kanya habang mataman siyang naghihintay ng sasabihin nito. Wala namang problema sa kanya ang pag stay ng dalaga dito pero nitong mga nakaraang araw ay naging curious lang siya dito. "Ang totoo kase niyan Sir, nung gabing umuwi tayo dito natagpuan ko si Celina sa loob ng compartment", lalong napakunot noo siya, "What do you mean??" "Ang paliwanag ng batang yun may tao siyang pinagtataguan at ayaw niya paraw umuwi sa kanila. Naawa naman kami ni Becky kaya pansamantala namin siyang kinupkop", "Mabait naman si Celina Sir, tingin ko may mabigat na problema ang batang yun at ayaw lang magsabi. Pursigido naman siya dito sa gawaing bahay kahit tingin ko ay hindi masyado sanay sa trabaho", dagdag na saad naman ng ginang, sandali naman siyang natigilan at naalala nung minsan na nadatnan niya ito na tahimik na umiiyak sa kusina. Napahinga naman siya ng malalim saka tumingin sa dalawa na naghihintay ng sasabin niya. "Hindi paba siya pinaghahanap ng pamilya niya?", nagkatinginan naman ang dalawa "Ang sabi niya sakin kanina Sir hindi pa naman daw nag-aalala sa kanya ang pamilya niya dahil alam ng mga ito na nasa maayos na kalagayan siya", napatango naman siya, kung gayon ay wala pala siyang dapat alalahanin dito. "Pero,,," Muli siya napatingin kay Kuya Bigs "Pero hindi alam ng pamilya niya na wala siya sa poder ng pinagkakatiwalaan ng mga ito, lumayas ang batang yon sa taong pinag iwanan sa kanya Sir", "Hindi kaya sinasaktan siya ng taong yun? hindi ba't nung unang makita natin siya ay may sugat siya sa noo, pasa at puro galos?", dagdag namang saad ng ginang, naitanong na niya ito noon sa dalaga ng mapansin niya ang mga pasa at galos nito. "Sa Hospital din siya galing ng gabing yun", Hanggang sa nakaalis ang dalawa sa harapan niya ay naiwan sa kanyang palaisipan ang napag alaman sa dalaga. Sandaling tumayo siya at nagtungo sa Veranda para magpahangin, tuwing tatanaw siya sa labas ay ito ang madalas niyang nakikita. Kung hindi niya ito mapapansin sa may dalampasigan ay naron naman ito sa gilid ng kalsada at abala sa mga pusang gala. Hindi nga siya nagkamali dahil naroon na naman ito sa mga pusa at abala na binibigyan ng pagkain ang mga ito. Kamakailan lang ay dalawang pusa lang ang napapansin niya sa harap ng kanilang gate pero ngayon ay nasa apat na. Ang hindi niya akalain ay sa dami ng pwedeng pagtaguan nitong sasakyan ay yung sa kanila pa. Hindi niya alam pero may nag uudyok sa kanyang alamin ang tungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD